Nang pumunta kami sa Hacienda Saldana ay na-disappoint kami kasi umalis pala sina Ate Kang at Ate Mimi. Nag-mall daw ang mga ito sabi ng matandang lalaki na humarap sa amin. “Susundan ba natin sila sa mall?” tanong ko kay Ate Yna nang makalulan kaming muli sa kotse ni Gavin. Kapwa kami nasa backseat. Ayoko kasing siya lang mag-isa roon kaya parang driver namin ang boyfriend ko. “Huwag na. Sa susunod na lang tayo makipaggala sa kanila at hindi tayo magkasalisi nang ganito,” sabi ni Ate Yna. “Saan tayo pupunta ngayon?” “Kayo na ang bahala.” “Sige, sa bahay na lang ni Gavin. Chill na lang tayo roon,” suhestiyon ko. “Sigurado ka?” aniya sabay sulyap kay Gavin na nag-reverse ng kotse at paalis ng hacienda. “Oo naman! ‘Di ba, Gavin?” “You’re welcome to my home anytime, Yna. Lahat ng kama