Inutusan na naman ako ni Emilia na maglinis sa pool. Pero siyempre, ang isang kasambahay ang gumawa para sa ‘kin. Binigyan ko na lang siya ng pera para naman wala siyang masabi. Mula sa pool ay napansin ko sa may gate sina Ate Kang at Ate Yna, may itatapon yatang basura. Mukhang may kausap sila roon at hindi ko kilala ang babae. Sa distansiya ay hindi ko namumukhaan at medyo nahaharangan ng gate. Naisip kong tanungin sila pagbalik nila. Aalis din ako mamaya para kunin iyong package na tinext sa ‘kin ng estrangherong gumamit sa palayaw ni Mama. Naku-curious talaga ako kung bakit ito ginagawa ng taong iyon. Nagpatuloy na lang ako sa pagdilig sa mga halaman habang nakadungaw sa balkonahe si Emilia. Napatingin ako sa kanya. Mukhang may kausap siya sa kanyang cell phone. Baka si Riggs na n