Pagkatapos naming mamili ni Gavin sa supermarket ay kailangan pa naming pumunta sa palengke para hanapin ang ilang items sa listahan. May seaweeds, shellfish, gata ng niyog at iba pa kasi sa listahan. “Where’s the taxi?” tanong ko pa nang hindi ko makita ito sa kung saan nakaparada si Manong Driver kanina. Pinasadahan ko ng tingin ang buong kalsada at parking lot hanggang kanto. Wala akong makita kundi mga private vehicles tulad ng motor, kotse at pickup. Dumaan naman ang ilang jeepney, pedicab at iba pang malalaking sasakyan. Iba’t ibang uri ng ugong ng makina ang narinig ko, dagdagan ng ilang mga tinderang sumisigaw. “I told Benjamin to ditch the taxi. Don’t worry, pinabayaran ko siya.” “Ano?” Nilakihan ko siya ng mata. “Bakit?” “May sasakyan ako. Halika,” sabi niya habang bitbit a