"From now on, call me kuya, Azel." May diin na saad ni Cyvan. "Ayoko nga! Pareho lang tayo ng age eh!" Tanggi agad ni Azel sa gusto mangyari ng kapatid. Bigla napalukot ang mukha ni Cyvan. Tumaas ang isang kilay ko nang tingnan nya ko tila gusto nya na tulungan ko sya para pumayag si Azel. "Cyvan, bakit nga ba gusto mo na tawagin ka ni Azel na Kuya?" Imbis na tulungan sya ay naitanong ko iyon sakanya dahil nagtataka rin ako. Sa mahigit na tatlong taon magkasama sila ay ngayon ko lang narinig iyon mula kay Cyvan. Hindi ko rin nagugustuhan ang iritang tingin na binibigay nya sa kapatid dahil alam ko na patungo ito sa away. "There's a boy who approached her and when he saw me, hindi nya alam na magkapatid kami ni Azel." Kalmado pero nandoon pa rin ang inis sa boses. Hindi masyado magk