Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ni Haryl ay naabutan ko sya na nakatayo sa harap ng bintana. Parang may pinapanood sya sa labas habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa kanyang pajama na may nakaukit pa ng logo ng ospital nila. Humarap sya sakin kaya nakita ko na ang buong itsura nya. Tumagal ang tingin ko sa mga mata nya dahil may suot na itong salamin. "Kanina pa kita hinihintay." Aniya habang lumalapit sakin. "Ang aga mo nagising." "Hindi maganda ang tulog ko." Sinilip ko ang mga mata nya na nasa likod ng salamin. Kita ko ang eye bag nya. "Masama sayo magpuyat. Inaantok ka ba? Gusto mo matulog?" Concern kong tanong. "Sasamahan mo ba ko matulog?" Ilang segundo ko sya pinagmasdan hanggang umalis na ako sa harapan nya at pumunta sa sofa para ilagay ang dala kong maliit na bag doon