Camel's Past Part 3 "Camel, sasama na kami sayo." Agad na sabi ni Coleen. Bumalik na sa pag-aaral si Camel. Unti-unti na bumabalik ang dating sya. Pinipilit nya maging masaya para hindi na mag-alala ang mga taong mahal nya sakanya. "Wag na, Coleen. Kaya ko." Tumawa sya at umalis na. Pupunta lang sya ng bathroom pero ang mga kaibigan nya ay nag-alala na sakanya. Napailing sya. "Camelaine!" Tawag sakanya ni Marco, kaklase nya. Napatigil sya sa paglalakad para bigyan ng pansin ang kaklase. "Bakit?" Kunot noo nyang tanong kay Marco. "Pwede ko ba hawakan ang kamay mo?" "Bakit naman, aber?" "Eh, yung mga gago kong kaibigan inutusan ako na hawakan ko ang kamay mo para tingnan ang future mo sa palad." Nahihiyang sagot ni Marco. Bigla natawa si Camel dahil sa narinig nya. Nilibot nya