"Sir, hindi nyo pa rin ba iinumin ang mga gamot nyo?" Hindi nya ko pinansin at nanatili pa rin na walang kibo sa madalas nyang pwesto habang nakaupo. Inuubos nya na ang mga pagkain na dinadala ko pero pagdating sa gamot nya ay vitamin pa rin ang iniinom nya. Pagod ako napasandal at tinitigan si Sir. Naalala ko sakanya ang sarili ko noon. Tulala at malalim ang iniisip pero dahil sa mga kaibigan ko ay nawala ang mga pangamba ko sa isip noon. Wala bang kaibigan si Sir? Tanging mga kapatid nya lang ang pumupunta rito. Ayon kay Ma'am Hannah, matagal na ganito si Sir. Gusto lagi na mapag-isa sya. May kutob ako na hindi pa ata sya nakakamove-on sa pagkawala ng asawa nya. Pero hindi naman pwede na lagi syang ganyan dahil nandyan pa ang anak nya. "Iniisip nyo ba ang asawa nyo Sir?" Akala ko ay