“MR. Santiago, may dalaw ka. Anak mo daw.” Agad siyang tumayo. Sinasabi na nga ba’t hindi siya matitiis ng anak niya. Kailangang makalabas agad siya ng kulungan at si Xyra lang ang pag-asa niya sa ngayon. Kailangang pakisamahan niyang mabuti ito, saka na lang niya pag-iisipan ang plano. Malapad ang ngiti niya nang makita ang anak. “Sabi ko na’t hindi mo matitiis ang daddy, anak. Kumusta ka na? Miss na miss kita, anak.” “Na-miss din kita, Dad, kaya nga kita dinalaw para makita ka.” “Wow, sweet talaga ng anak ko. Bukas pala, anak, ang huling hearing. Alam kong alam mo na.” “Yeah. Kaya nga narito ako para makausap ka.” Nagtitigan sila ng ilang minuto saka nagsalita ang kinikilala niyang ama. “Birthday mo, anak. Ikaw na ang bahala. Make it sure na malinis ang kuwarto ko.” “Yes, Dad. H’