EMILY/SCARLETT "WHAT are you doing here, Ryan?" walang emosyon kong tanong nang makalapit kay Ryan. Nakatayo ako sa harap nito habang nakatingin sa mga mata nito. Wala akong balak na papasukin ito sa loob ng pamamahay ko dahil wala naman akong planong kausapin ito nang matagal. Bakit ko naman siya kakausapin? I want to forget him and talking with him won't help me forget. Kaya nga mas gusto kong umiwas dito dahil hindi na nawala sa aking sarili na kapag nakikita ko ito, nakakaramdam ako ng sakit sa aking kaibuturan. The pain of the past won't never leave me. Nandito at nandito pa rin sa buong katawan ko, specifically in my heart. "Ayos ka lang ba, Emily?" mahinahong tanong ni Ryan sa akin. Agad akong natawa dahil sa tanong ni Ryan. Is he joking? Talagang pumunta lang ito sa bahay ko ju