DAHIL siguro sa pagod kaya iginupo ng antok si Ayah. Nakaunan ang dalaga sa matipunong braso ni Prix. Bihis na rin ito katulad niya. Hindi naman magawang gisingin ni Prix ang dalaga dahil tulog pa rin ito. Kung nakatulog si Ayah, kabaligtaran naman si Prix dahil mataman pa rin siyang nakatitig sa maganda at maamo nitong mukha. Wala sa hinagap niya na isusuko nito ang sarili sa kaniya sa araw na iyon dahil ang buong gusto lang niya ay masolo ito makasama sa lugar na iyon. Iyon lang ay masaya at kuntento na siya. Dahil na rin sa karupukan niya, nawalan na rin siya ng kontrol sa sarili dahil hindi siya tinigilan ni Ayah. Oo, wala sa hitsura nito na mag-pi-first move ito sa lahat. Tama si Ayah. She’s like a prim and proper lady. Pero pagdating sa kaniya, nawawala ang hinhin nito at nagpap