Chapter 34

3044 Words

“NATANYA, MATAGAL ka pa ba riyan?” Nakagat ni Tanya ang ibabang-labi. Nasa loob pa rin siya ng banyo ng mga sandaling iyon. Hindi makapagdesisyon kung lalabas na ba o hindi pa? Hayon nga at kinakatok na siya ni Karzon. Huminga muna nang malalim si Tanya bago ipinasya na buksan na ang pinto. Humawak pa siya sa kaniyang tiyan at umakto na masakit iyon. “Are you okay?” tanong agad ni Karzon nang makita nito ang hitsura niya. “Sumakit ‘yong tiyan ko. Nag… nag-LBM nga ako, eh,” dahilan pa niya kahit na arte lang niya iyon. “Gagamit ka ba ng banyo? ‘Wag muna,” aniya na itinulak pa ito palayo sa may pintuan. “Nangangamoy pa, eh,” dagdag pa niya. Inalalayan naman siya ni Karzon sa paglalakad. “Masakit pa rin ba ang tiyan mo? Magpapakuha ako ng gamot—” “Hindi na. Ipapahinga ko na lang ‘to.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD