NANG HIWALAYAN ni Karzon ang labi ni Tanya ay hindi pa siya nakatiis at hinabol iyon para magpatuloy ang halik na pinagsasaluhan nila. Para bang nasa punto siya na ayaw niyang mabibitin siya sa halik na ipinamamalas sa kaniya ni Karzon. Para itong kape na gusto niyang ka-addict-an. Ipinulupot pa ni Tanya ang mga braso sa may batok ni Karzon para hindi ito makalayo sa kaniya. “Easy,” ani Karzon nang muling pakawalan ang kaniyang labi. Kapuwa habol nila ang paghinga. Easy? May pa-easy-easy pa talaga itong nalalaman? “Suko ka na agad?” pang-aasar pa niya rito. “Hanggang doon lang ba ang kaya mo, Mister Montejero?” “‘Wag mo akong hamunin, Natanya.” “Mahinang nilalang,” aniya na inalis na sa pagkakayakap sa may batok nito ang kaniyang mga braso. “Okay na siguro ‘yong good night kiss mo ‘