Hindi ako sigurado kung nagbiro ulit ang lalaki pero may kutob ako na biro lang ang sinabi niya. Kasi, bakit pa niya ako dinala sa magiging bahay daw namin kung iiwan lang din niya ako? Ano iyon? Magiging daan pa yata 'yon upang mas madagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya. "Sabihin mo ngayon din na nagbibiro ka lang," sabi ko. "Oo na, biro lang talaga, baby. Pero alam mo naman ang kalagayan ko, di ba? Hindi ako maaaring magtagal dito sa bansa natin. Kailangan ko pa ring bumalik agad sa States." "I understand," sabi ko dahil hindi ko naman maaaring pigilan ang lalaki at baka ako ang magiging dahilan kung mapaaga ang pagpanaw nito. Speaking of kamatayan, bigla akong napatingin sa kanya at nagtanong siya itaas kung bakit si Jake pa ang dinapuan ng ganoong klaseng sakit? "Gusto ko na mu

