Ilang beses niya akong tinawag pero naglakas loob akong hindi siya pinansin. Dumiretso ako sa aking kwarto at hindi na nag-abalang lumabas kahit na sa oras ng pagkain. Kung ako ang sisisihin niya, dapat hindi na siya tumulong noong una! Ngunit bandang alas diyes na ng gabi nang kumalampag ang tiyan ko sa gutom. Magdadala sana ako ng makakain pero hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa sinabi niya sa akin na lahat ng babae ay kailangan ng lalaki! Dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi maalarma lalo na si Jacob na nasa kabilang silid lang. “Ano ba!” I cursed at the man who stood outside the door and he just grinned when I came out. "Baliw ka ba? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa labas ng kwarto ko?" Imbes na sagutin ako kaagad ay lumapit lang ito at mahigpit akong hinawakan s

