Napabalikwas ako ng bangon nang tumunog ang aking cellphone. At dahil umaasa ako na isang araw ay tatawagan ako ni Jake ay kaagad kong kinuha ang cellphone na nakapatong sa side table, ngunit hindi pala si Jake ang tumawag kaya na-disappoint ako kaagad. Ganoonpaman ay sinagot ko pa rin ang tawag ni Gwen. “Hello, Gwen, napatawag ka?” “Hi, Nat. Kumusta ka na pala? Ang tagal na nating hindi nagkita, ah.” “Okay lang naman ako, Gwen. Bakit ka tumawag?” S’yempre, wala namng dahilan upang tawagan ako during office hours. “Kunin mo na dito ang last pay mo at pabaon ng EC. Pasensya ka na at medyo matagal nagawan ng tseke kasi biglang nag-awol ang previous na in-charge kaya walang maayos na turnover,” paliwanag ni Gwen. Actually, legit na sobrang matagal nga ang proseso. Sa katunayan ay nak

