Napasigaw ako ng malakas kaya natakot ang ahas at gumapang palayo. Sinundan ko ito ng tingin, laking gulat ko na lang nang magpakita si Jacob at binuhat ang ahas. Hinarap niya ang reptilya tulad ng isang taong nag-aalaga ng tuta o pusa. “Natalia. I’m sorry,” paghingi niya ng paumanhin sa ngalan nito at naiwan akong tulala lalo na nang makilala kong kapareho ito ng nakita ko sa ibabaw ng puno ng niyog. "Bakit may ahas?” Tanong ko dahil hindi makapaniwalang mag-alaga siya ng ahas for goodness sake! Nang tumango siya, nagpasya akong umalis. "I can't live here," sabi ko sa kanya. “Common, Natalia. She’s nice,” paliwanag niya. "Wala akong pakialam kung nice siya o hindi! I’ll have to go back to the cottage or to the city,” sabi ko sa kanya tungkol sa mga pagpipilian ko. Nagtaas siya ng kam

