GREEN CHAPTER 11

1826 Words
Hindi ko alam kung tama ba ang pakiramdam ko pero meron talagang tao na nagmamasid sa amin. "Okay ka lang, Eli?" nag aalalang tanong ni En sa akin at nag nod naman ako. "Yeah, may pakiramdam lang ako na may nag mamasid sa atin." sambit ko at alam ko rin naman na narinig din iyon nila bakla at Eros. "Nagmamasid? Are you kidding me?" maarte na sambit ni bakla. "Tayo lang kaya ang tao dito." Umiling ako at tinitigan ang kabilang bahagi and my guess is right- or should I say my instinct was right. "Sinabi ko na sa inyo umalis na kayo dito!" Paulit ulit na bumubundol ang puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Parang hindi ako makahinga. "Bakit ba parang takot na takot ka na hindi kami umalis agad?" inis na sambit ni bakla. "Dahil para din ito sa -" "Nandito lang pala kayo." napatingin kami sa nagsalita at nakita namin ang lalaki na kausap ng lalaking nagsasabi sa amin na umalis. His eyes and body are telling us to run as fast as we can! His emotion alone is telling me to run away and never let him caught me. He is going to kill us! "Geral. Just this once let them go out." "Go out?" he smirk. "Alam naman ata nila na hindi sila makakalabas na dito simula ng pumasok sila di ba? Siguro naman binantaan na lahat ng tao sa village na ang papasok dito ay hindi na nakakalabas pa. Di ba? Tama ba ako? Mga bata?" Nagsitaasan naman ang balaibo ko and unconciously hond En's hand. I wanted to tell her that we have to run nd tell them that we have to get the hell out of here but I cant. I can't find my voice! "Okay ka lang?" tanong ni En sa akin na ako lang ang nakakarinig. Umiling ako, "Run..." mahina kong bulong. "Huh?" "Run!" sigaw ko. Kasabay noon ay ang paghatak ko kay En at kasabay noon ay ang pagputok ng baril. Napatigil kami at tumingin sa lalaking nagpaputok at nanlaki naman ang mata namin dahil nakita namin na nakahilata na ang lalaking nag wawarning sa amin na umalis na. Yung kakarating lang na lalaki binaril sya! Bigla naman kami nagsitakbuhan dahil sa nangyari and we have to run as fast as we can! ✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒ We've been running for almost an hour and I can feel that my legs can no longer run nor walk like it used to be. Feeling ko bibigay na ang buo kong katawan dahil ramdam na ramdam ko rin ang pagod ng mga kasama ko- ng mga kaibigan ko. "Sabi sa inyo mga bakla eh dapat umalis na lang tayo dito." sambit ni bakla at tiningnan naman namin sya. "Seryoso ka baks? Kami talaga ang sinisisi mo? Alam naman natin na kagustuhan natin to pero bakit parang feeling ko kami ang may kasalanan?" En said. Bago sumagot si bakla ay umirap naman ito saka bumuntong hininga, "Di ba kayo ni Eli ang nakaisip ng adventure na ito? Gosh! Nagugutom na ako!" Hinawakan ko ang kamay ni En saka ako umiling nang mapatingin sya sa akin. I don't like arguments right now so hindi ko na muna pinagsalita pa si En. We both know that something is wrong pero hindi lang namin mapinpoint kung saan o kung ano ito. Nagpahinga kami sa pinaka malapit na malaking puno and we all said, "Thank goodness!" Nakakita kasi kami ng prutas sa puno at agad din naman kaming lumapit. Dahil kasi sa pagmamadali namin sa pagtakbo at para na rin malito namin ang pumapatay na lalaking yun tinapon namin sa iba't ibang dereksyon ang gamit namin. Hindi lang para malito kundi para na rin hindi kami mahirapan sa pagtakbo and we all have the same mind right now. Go home. Hindi kami ligtas sa lugar na ito lalo na kapag gabi. Hindi naman namin kaya matulog sa taas ng puno for protection against other predator at night. Hindi din naman kami pwede sa mga kweba magmalagi dahil malay ba namin kung ano ang laman nun wala naman kaming flashlights na dala phone lang. Low battery pa! Ang saya naman. Note the sarcasm though! "Eli?" Dinig kong mahinang tawa sa akin ni En kaya naman tiningnan ko sya. "Bakit mo ako pinigilan makipagtalo sa baklang yun?" Halata kay En na naiinis sya and she needs to take those anger out of her heart. Tumingin muna ako kay Eros na paakyat na ngayon sa puno at saka nagsalita, "I know naman na nafe-feel mo rin na nag iiba ang dalawang iyan. Sa hindi ko malamang dahilan hindi ko maramdaman ang sincerity nila gaya ng dati. Parang may iba sa kanila at alam ko rin naman na nararamdaman mo yun." Tumango naman si En, "Oo pero hindi ba ito normal? I mean- pagod tayo pare-parehas tapos normal lang naman ang ganitong ugali di ba?" Tinginan ko naman si En, "Ang tanong naging ganito na ba ang grupo natin?" sandali namang napatigil si En sa tanong ko at dahan dahan naman na umiling. "Right, dahil kahit na gaano kagalit or kainis yang si bakla at Eros hindi yan nag away sa harapan natin na kulang na lang ay patayin nila ang isa't isa. Hindi din magagawa ni bakla na makipagtalo sa atin na tayo ang sisisihin at mas lalong hindi din naman si Eros makikipagtalo kay bakla na magagalit." Kahit na ilang beses na kasi inaasar ni bakla si Eros never nagalit si Eros kay bakla at binabara lang ito ni Eros pero sa mga experience namin sa lugar na ito parang buong pagkatao nila nagbago. Parang hindi sila ang kaibigan namin. Sana lang mali ako ng hinala. "s**t!" sambit ni Eros at tinapon ang prutas na ikinalaki ng mata namin. Eros? Baks, why Eros lang? "Hindi mo ba nakikita? Bulag? Nakita mo naman na hindi nasira di ba? Ibig sabihin peke! Hindi totoo! Plastic!" Nakaramdam naman ako na parang totoo ang mga sinasabi ni Eros. "Plastic?" Di makapaniwalang sambit ni En at lumapit sa prutas na tinapon ni Eros. Nagulat naman sya, "Plastic nga." at saka nito hinagis sa akin saka ko sinalo. "Ano ba hinahanap nyo? Sinasabi ko sa inyo hindi nga ninyo iyon makikita sa lugar na ito!" "Dahil alam ko ang lugar na ito and it is not my business kung maniniwala kayo sa akin kung nandito ba ang hinahanap nyo o wala! Nandito man o wala aalis na kayo sa lugar na ito! or else..." "Wala dito ang hinahanap nyo..." pag uulit ko at nakakunot noo naman nila ako tiningnan kaya napatingin ako sa kanila, "Naalala nyo yung warning sa atin? Yung sinabing wala dito ang hinahanap natin? Baka ito ang ibig nyang sabihin!" Inobserbahan ko ang mga puno at gaya din ng sa iba fake din ang mga ito. Kung hindi mo sya tititigan baka mapagkamalan mo syang tunay at magandang puno pero kung hahawakan mo ang branches nya at tititigan ang mga dahon doon mo makikita na hindi ito tunay na puno! It's a fake! "Tfuckuck?" di makapaniwalang sambit nila bakla habang hawak hawak ang mga dahon. "So ibig sabihin lahat ng puno dito hindi totoo? Pero bakit mukha silang totoo?" Hindi maintindihan na tanong ni En. Totoo dahil hindi mo makikita ang pinagkaiba ng fake na punong ito sa mga tunay na puno. "Tama kayo fake nga to." seryosong sambit ni Eros habang tinititigan ang dahon na hawak hawak nya. "Ibang iba ito sa mga puno sa entrance ng gubat. Hindi ito kasing tingkad ng nasa gubat at kasing lapad." "Eh bakit hindi man lang natin napansin iyon?" inis na sambit naman ni bakla. Inis nga ba? Baks anong nangyayari sayo? "Siguro dahil sa excitement natin hindi na natin naobserbahan ang paligid. Akala natin tunay ang lahat ng nakikita natin dito pero hindi pala. Wala nga tayong nakitang ilog dito o hindi kaya sapa eh. Ito pala ang dahilan." Fake forest. "Sigurado ako na ito ang dahilan kung bakit tayo winarningnan nung lalaking pinatay." Sambit naman ni Eros. Agad naman ako napatayo ng maayos at saka ako nagsalita, "Ah guys? I think we need to run now." I told them. "Bakit? Sa tagal natin sa pagtatakbo sa tingin mo ba maabutan tayo ng mamamatay tao na iyon?" Sinamaan ko naman si bakla, "Kung gusto mo na mamatay then go and stay here pero kami tatakbo na kami!" Hinila ko naman kaagad si En at tumakbo kaming dalawa. Nakarinig naman kami ng dalawang putok ng baril at alam ko rin na tumakbo na ang dalawa. Hindi naman sa iniiwan ko sila pero hindi ako kumbinsido sa identity nila. Alam ko sa sarili ko na may mali sa kanila. Na pati sila fake. Pero kelan sila nawala? Noong pumasok naman kami sa gubat sila pa ang kasama namin pero bakit bigla na lang sila nagbago? ✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒ Gabi na nang makahanap kami ng ligtas na pagtataguan. This time napahiwalay kami ni En kay Eros at baks na hindi ko alam kung dapat ba ako kabahan o hindi. Kakabahan dahil alam ko na anytime soon may mangyayari sa amin na hindi maganda at pwedeng isa sa kanila or maybe dalawa sila ang dahilan at hind idahil hindi namin sila mararamdaman. "Ano bang nangyayari, Eli?" Umiling ako, "Hindi ko rin naman alam En. Basta ang kailangan lang natin dito ngayon ay makalabas na sa punyetang lugar na ito. Hindi tayo pwede magtagal dito dahil anytime soon mahahanap na nila tayo." "Pero paano? s**t! Pagod na pagod na ako Eli!" "Hindi ko alam pero siguro sa ngayon magpahinga na muna tayo. Go on and sleep babantayan kita." She nod, "Okay, gisingin mo ako after two hours and then ikaw naman ang matulog." Tumango naman ako. Hindi ko alam kung tama ba na magpahinga kami or dapat na magpatuloy kami sa pagtakbo dahil sa mga nangyayari. Everything in this forest is fake and we don't even know why! Bakit nila itatago iyon? Bakit hindi nila sasabihin sa amin? At bakit kami kailangan patiyin? Sumabay pa sa problemang ito sila Eros at bakla. Ayaw ko man na pagdudahan silang dalawa pero wala akong ibang maramdaman sa kanila kundi pagdududa! ✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒ After an hour and a half ay kaagad naman ako na umupo at ginising si En saka ko tinakpan ang bibig nya to stay her quite. Hindi ko nakikita ang mukha nya pero ramdam ko naman na nagtatanong sya and this is not the right time to ask. "Ah ah. Bakit ba kasi sa akin naibigay ang misyon na ito." Kumunot naman ang noo ko. Si bakla? "Dahil wala kang ibang ginawa kundi ang magpasarap lang sa buhay." "Heh~ look at you dear Eros akala mo naman talaga santo eh no?" "Shut up." "Well, anytime soon naman mamamatay ka na." At bumundol ang kaba sa dibdib ko. Mamamatay? Bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD