Kinabahan ako dahil kausap na ngayon ni Eros ang outsider.
"En?"
"Bakit?"
"I have this bad feeling that we have been discovered." at saka ko sya tiningnan.
I saw her wide eyes.
"What?"
"Cant you hear that?" I asked her.
Obviously, hindi nya naririnig. Its just a cover lara hindi sya magduda sa akin.
"Hear what?"
"Eros is talking- no- I mean arguing with someone."
"Pano yan?" nag aalala naman nyang tanong. "Maghanap na tayo ng matataguan." she added. I stopped her, "Ipapakilala rin naman tayo ni Eros sa taong yun eh so why bother to hide ourselves, right?"
Napanganga naman sya, "What? Ipapahamak ba tayo ng gagong yun?"
Nagkibit balikat naman ako at saka sinabing, "Wala naman din tayong matataguan dito sa loob.""s**t! Ano ba kasi ang problema sa dalawang yun?"
Hindi na ako nagsalita pa sa kumento ni En at naglakad na lang ako papalabas ng kweba. Alam ko rin naman na sumunod si En sa akin dahil ayaw nya rin naman na kami lang ang magharap harap.
"Eros? What's the matter?" tanong ko at nakita ko naman na nakikipag away sya sa lalaki.Nanlaki naman ang mga mata ko.
Sya yung lalaki na nakita namin sa bahay kanina! s**t! Alam nya ba na nandito kami o nakita nya lang kami? o may nagsabi na nandito kami?
Heck!
Tumingin sya sa paanan namin and then he smirk, "There you are." At lumapit naman sya sa amin. Kaagad naman na humarang si Eros sa pagitan namin at ng lalaki.
"What do you think you're doing? Bakit mo sila lalapitan? Anong pakay mo?!"
"I already told you, young man. Leave this place with your friends pero hindi ka nakinig sa akin!" galit nitong sambit.
Kinabahan naman ako.
"Wala naman kaming gagawing masama dito ah." En retorted. "In fact naghahanap lang kami ng mga halamang gamot."
"Herbs?" He sneered. "Walang halamang gamot dito! All of the trees and weeds that planted here is not something your group don't have to know!"
"We don't have to know? Bakit ano bang meron sa lugar na ito at parang takot na takot kayo na may pumasok dito?" Tanong ni Eros na may halong pag hahamon.
Hindi ko alam kung dapat ko bang purihin si Eros dahil sa tapang nya o sabunutan dahil minsan hindi sya nag iisip.
Hindi nya ba naisip na pwede kami ditong mamatay dahil sa mga tinatanong nya?
Bumundol naman ang kaba lalo sa dibdib ko dahil sa tingin ng lalaking nasa harapan namin. Hindi ko alam pero kakaiba talaga ang lalaking ito and trust me sya ang huling taong gusto kong makita sa buong buhay ko!
Di na bali si demonyita ang makita ko wag lang ang lalaking to!
He's so scary!
And I've never been scared in my entire life not until now! Feeling ko anytime soon kakatok na si kamatayan sa pinto ko!
Wait, why would I fear death? Natakasan ko na si kamatayan isang beses and I would do the same this time!
When my time comes to die, I will be not like those whose hearts are filled with fear of death, so that when my time comes I weep and pray for a little more time to live my lives over again in a different way. Sing your death song, and die like a hero going home.
Huminga naman ako ng malalim.
"We are truly sorry mister for entering the forest." I told him and I saw the pleased in his eyes, maybe akala nya uuwi na kami? "However, we are also truly sorry for not taking your advice. Hindi po kami aalis ngayon hangga't hindi po namin nahahanap ang dapat namin hanapin."
Kinakitaan ko naman ng inis sa mukha nya, "Ano ba hinahanap nyo? Sinasabi ko sa inyo hindi nga ninyo iyon makikita sa lugar na ito!"
"Kuya, bakit ba sinasabi nyo na hindi namin makikita? Sa laki ng gubat na ito sa tingin mo po ba maniniwala kami sayo na alam mong wala dito ang hinahanap namin? Also alam mo ba kung anong klaseng herbal ang hinahanap namin? Of course, no. Hindi mo kasi kami hahayaan na mas makapasok pa sa gubat!" Inis naman na sambit ni En.
Wala naman kaming hinahanap na herbal pero since yun ang palusot namin wala na kaming magagawa kundi ang panindigan.
"Dahil alam ko ang lugar na ito and it is not my business kung maniniwala kayo sa akin kung nandito ba ang hinahanap nyo o wala! Nandito man o wala aalis na kayo sa lugar na ito! or else..."
"Or else what? Something will happen to us? Hindi ka ba natatakot na out numbered ka?" Panghahamon naman ni Eros sa kanya.
Ngumisi naman ang lalaki, "Such a young weak man trying to challenge a hunter? Baka gusto mo ata mabalian ng buto. Inuulit ko sa inyo umalis na kayo dito huwag na kayo tumuloy!"
At saka naman nya kami tinitigan ng masama. Kinabahan ako pero nawala ang kaba na naramdaman ko ng maramdaman ko na may isa pang pamilyar na tao na nandito at nanonood kaya naman kumunot ang noo ko.
Nang makaalis na ang nagpakilalang hunter kuno sa amin ay agad naman ako nagsalita, "Baks, bakit nakatago ka dyan at hindi mo kami pinagtanggol?"
Naramdaman ko ang pagkagulat nilang lahat pati na rin ni Baks kaya naman lumabas sya sa pinagtataguan nya, "Kasi alam ko namang kaya nyo na iyon."
En sneered, "Kaya? Baks what's wrong with you?! Kahit na alam mong kaya namin ang makipag talo you still stood behind us! So what happened now? Bakit ka nagtatago?"
Ngumisi naman si baks, "It is none of your business." He said and then both En and I looked at each other and our eyes told the same thing, "Anyways, ano nang plano mga bakla? Tutuloy pa ba tayo o hindi?"
"Malamang tutuloy!" inis na sambit ni En at saka pumasok sa kweba kaya naman sumunod ako.
Hindi naman sumunod si Eros at si baks pero ramdam ko na nag tatalo na naman silang dalawa. Ano bang meron kay Eros at baks at palagi na lang sila nagtatalo? Hindi naman sila ganyan dati ah. Anong nangyari, baks?
"Sa tingin ko may pinagdadaanan si bakla." Wala sa mood kong sabi at kinuha ang sleeping bag ko.
"Same. Still ayoko pa rin ng ugali nya ngayon. Hindi ko gusto to." She agreed.
I nod and look at the small light in front of us, "Something is telling me that we may lost in this place." at tumingin naman ako kay En, "Hindi literal na mawawala ah baka kasi magpanic ka."
Mahina naman syang natawa at pinasok na nya ang katawan nya sa sleeping bag nya, "Hindi naman ako magpapanic, baka ikaw." sambit nya at saka humiga. "Anyway, girl, antok na ako gusto ko na matulog."
Tumango naman ako at pinasok ko na rin ang katawan ko sa sleeping bag ko at hindi na nagsalita pa at hinayaan si En na matulog.
✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒
Kalagitnaan ng gabi may naririnig akong bulong na nag aaway. Dahil naku-curious ako kung ano pinag aawayan ni baks at Eros ay hindi ko minulat ang mata ko.
"The f**k? Seryoso ka ba sa sinasabi mo bakla?"
"The f**k you too! Hindi ako bakla!"
What? Hindi sya bakla?
"Tangina! Kung ako sayo umalis ka na dito! Hindi ka namin kailangan dito!"
"Eros, pare, masyado atang mataas ang tingin mo sa sarili mo. Porque nakaalam ka lang ng ilang moves na panglaban akala mo kung sino ka na? Ha!"
"Hindi ko pinagmamayabang yan!"
"Kung hindi eh ano ginagawa mo ngayon?"
"Huwag mo ibahin ang usapan, bakla, sinasabi ko sayo, lumayo ka na kay En at Eli."
"Paano kung ayoko? Heh~ Anong gagawin mo? Sasaktan mo ako? Sasabihan mo silang dalawa? Akala mo ba mapapaniwala mo sila?"
"Yes,-"
"Eros, pare, advice ko lang sayo ha? Huwag masyadong mataas ang tingin sa sarili. HIndi ka nila paniniwalaan, alam mo kung bakit? Dahil minsan mo na silang iniwan sa ere!"
"Yun ay dahil sayo!"
"Nope, hindi dahil sa akin"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga narinig ko. Hindi ko man naiintindihan ng maigi ang detalye ng pinag aawayan nila pero ito ang pinaka naiintindihan ko- damay kami ni En sa away na ito ng hindi namin alam!
Shiznitz!
Ano ba ito?
Kahit na gustong gusto ko lumabas sa pinagtataguan ko hindi ko pa rin magawa. Anong nangyayari? Anong meron? Bakit nagkakaganito?
Ang gulo!
Hindi ko maintindihan!
Wala akong maintindihan! Paki-explain naman sa akin!
✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒
Third Person Point Of View
"Akesia Cyrene Mendez is still missing! Ang sabi ng mga otoridad imposible na makaligtas pa ang dalaga sa kanyang pagkakalaglag sa kanilang sinasakyan pabalik sa bansa. Ayon naman sa mga pulis na nag iimbistiga sa kaso ay mayroong nakapasok sa kanilang sasakyan na kalaban dahilan upang malunod ang dalaga. Bagamat wala pa ring balita kung buhay pa ba o patay ang dalaga ay sinasabi na ng karamihan na patay na ito."
Napatingin ang magkakaibigan sa tv dahil sa balitang kanilang narinig at halata sa kanilang mga mukha na hindi nito gusto ang sinabi ng reporter.
"Gonna kill that b***h! Sino nagsabi sa kanya na pwede nyang patayin si Akesia?" inis na sambit ni Yana at hinimas himas naman ni Henry ang kanyang likod.
"Ney, it's just a stupid conclusion don't stress yourself."
"Tama si Henry, Yan. Kung ako sa iyo magpapahinga na lang ako." Min added.
"Si Akesia ay isang estudyante ng Mint Academy na nagpamalas ng kakaibang katalinuhan. Ayon sa mga kaibigan ng dalaga si Akesia ay ang pinaka pinuno ng research nila na Miracle Pill kung saan nagpagaling sa libo libong cancer patients na nawawalan na ng pag asang mabuhay ng mas matagal. Bagamat handa ang lahat sa -"
"What the-" agad na sambit ni Jullia ng mamatay ang tv at tiningnan kung sino ang pumatay sa tv. "Kuya..."
"Bakit kayo nandito? Di ba dapat natulong kayo? Tapos na ba research nyo?" sunod sunod na tanong ni Marvin.
"Patapos na kami sa research namin senior. Our anti-diabetic tablet will soon appear on the market." agad naman na sagot ni Kass.
"Good. Aira and the rest of the mission team will be back in a few more hours so use it to prepare."
Paalis na sana si Marvin ng magtanong si Henry, "Prepare para saan, pre?"
"Gusto ni kuya Jared na tayo mismo ang pumunta sa case place."
"As in sa lost island?" gulat naman na tanong ni Yana.
Tumango si Marvin, "Yes, yun ang utos nya."
"Heck, sa dami ng masasamang karanasan natin sa lugar na iyon parang ayoko na dun bumalik." sambit naman ni Min at saka bumusangot ang mukha nito. "Pero wala naman tayo magagawa so..." at bumuntong hininga siya saka umalis.
Umalis na si Marvin sa research lab ng sophomore verdant at saka naman ito naglakad palabas ng research hall.
Napatigil naman siya sa paglalakad ar napatingala sa langit.
"Hahanapin kita kahit saang lupalop ka pa ng mundo, Akesia. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikita ang katawan mo. Hindi ako maniniwala na wala ka na hanggat hindi ko nakikita ang malamig mong katawan. Alam ko, ramdam ko na buhay ka pa at alam ko na kakayanin mo ang kung ano mang sitwasyon ang meron ka ngayon."
"Hey."
Napatingin naman si Marvin sa nagsalita at nakita nito ang kanyang matalik na kaibigan, "Lice, bakit?"
"Wala lang. Nakita kasi kitang tulala baka kasi may problema ka na naman. So, iniisip mo na naman ba sya?"
"May bago pa ba?" sambit ng binata at ngumiti ito ng malungot.
Napabuntong hininga naman si Alice dahil sa sinabi ng kanyang matalik na kaibihan, "Alam mo Marv? Konting konti na lang talaga, promise! Masasapak na kita."
Binigyan naman sya ng what look ni Marvin saka naman sya inirapan ni Alice at saka sinabing..
"You freed yourself from that frustrating situation and then ngayon ka pa magdadrama sa akin ng ganyan? Gusto mo ba patayin kita?"
Marvin chuckled, "Ewan ko sayo." at naglakad na ito pero bago pa man makalayo ay sinabi nyang, "But then, thank you for being there for me. Anyway, you will be the acting leader for a while."
"Bakit aalis ka?"
"Oo, utos ni kuya Jared. See you."