Eli
Why do I really have this feeling? Pag gising na pagising ko parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Feeling ko may hindi magandang mangyayari.
Napatingin naman ako sa side table. Huh? Bakit may syringe dito? I dont remember it yesterday. Aside sa mga gamot ko wala naman akong nilalagay sa side table ko.
I shook my head and clear my thoughts.
Inunat ko na lang ang buong katawan ko na feeling ko ay sobrang ngalay! Did I sleep in the wrong position?
Anyways, nevermind.
Inayos ko na lang ang higaan ko and then naligo at nag ayos sa sarili. Fhe team will having a meeting this time, though hindi naman talaga totally meeting since we will having a banquet on En's place for celebrating our friendship's recovery.
"Eli?!" dinig kong sigaw ni lola sa kabilang kwarto.
"Yes, la? Bakit po?" sigaw ko pabalik at naglakad palabas ng kwarto at sumilip sa kwarto nya.
I know my lola too well, kahit di ko naman talaga sya sobrang tagal nakasama. Ayaw nya na may bigla biglang pumapasok sa room nya.
"La? You there?" I asked.
"Hm. Come over here and help me with this." dinig kong sabi nya.
And since di ko naman sya nakikita sinundan ko na lang ang boses nya pagpasok ko sa kwarto nya. Kahit sa kwarto ni lola amoy herbal medicine.
Napakunot naman ako kay lola sa hawak nya, "Ginagawa mo, la?"
"Imbis na magtanong ka, bakit hindi mo na lang ako tulungan?"
Gusto ko sana umirap pero pinigilan ko ang sarili ko, grabe naman kasi tong si lola magsalita.
I pout, "Nagtatanong lang po." Kinuha ko naman ang buhat nya na kahon at hinimas himas nya ang balakang nya, "Ano po ba ito? Bakit po ba kasi di nyo na lang hilain at binuhat nyo pa? Tanda mo na po kaya di na kaya ng-"
"Sige ituloy mo sasabihin mo at makakatikim ka sa akin."
This time napairap na talaga ako, "La, why wont you admit to yourself that you're already aging? Heck,- aray! Lola naman!" bigla na lang nangbabatok si gurang.
"I told you makakatikim ka sa akin pag tinuloy mo! Ikaw talagang bata ka di mo talaga yan matikom na bibig mo!"
"La, mas madaldal naman po si En sa akin."
"Ha! Parehas lang kayong dalawa!"
Hindi ko na lang si lola pinansin at triny tingnan ang sa loob, "Ano po ba to?"
"Don't look at it or else you want to die."
Kinilabutan naman ako, "Grabe ka naman la. Bakit cobra po ba ang laman nito?"
Umiling sya, "Hindi pero mas nakakamatay pa sa cobra."
I shivered once again, "There is more scary than cobra, la?"
"Hm. There is." mahinang banggit nya.
I look at her, "Ano po?" I asked.
"People with an ill mind."
"huh?"
Tiningnan nya naman ako, "Mga taong may hindi magandang pag iisip. Some people will use the other to gain wealth or fame, some will use the other to satisfy their needs. You must avoid this people, Eli, I am warning you. Avoid this people and look someone whom will die for you."
Tinaasan ko naman ng kilay si lola, "Grabe ka naman lola. Siguro naman po walang ganyan dito di ba po?"
Nagkibit balikat naman si lola, "Who knows, baka yung manggagamit nasa parte ng kaibigan mo at ang ginagamit lagi mong kasama."
"Nakakalito ka, la."
"Nevermind that. Basta sinasabi ko sayo lumayo ka sa ganoong klaseng tao. Naiintindihan mo ba ako?"
Kahit na naguguluhan man ay nag nod na lang ako para matapos na ang usapan. Hirap kasi ng ganito nakakalito sa ulo. Baka daw ang nanggagamit nasa circle of friends ko? Aside kila En si Enrile at Jessi lang ang kaibigan ko, all in all, six lang ang friends ko.
I doubt it.
Kilala ko silang anim. And sa ginagamit? Aside from lola wala na naman akong kilala na lagi kong kasa and as if naman magpapagamit tong si lola. Halos daig pa nito ang amazona sa sobrang tapang eh.
"Dito mo na lang ilagay sa lapag ang box." sambit ni lola ng makarating kami sa harap ng restricted area nya.
"Okay po, la."
Budump.
Budump.
Budump.
Napahawak naman ako sa dibdib ko. Bakit ako biglang kinabahan? Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko?
Hindi ko alam pero feeling ko nararamdaman ko na may mga hindi sinasabi si lola sa akin. Why do I have this feeling? Why?
"Are you okay?"
Tumingin naman ako kay lola at tumango, I calm myself, "Yeah, medyo napagod lang ako. Bakit kasi ang bigat nito? Ang bilis tuloy ng t***k ng puso ko." I told her.
"Hmp! Sige na makakaalis ka na."
Why did I not feel any worriedness? Bakit feeling ko wala lang sa kanya bit then her eyes look so worried? Why?
Why did her eyes is not connecter to what I feel?
Hindi ko na lang pinansin at umalis na lang ako saka pumunta kila En. Pagdating ko naman doon ay nakita ko si lolo Mario na paalis na.
"Hello po, Lolo Mario, good morning. Saan po ang punta?" I happily asked and then nag mano ako.
"Sa lola mo may pag uusapan lang."
I nod, "Okay po, ingat ka po. Matatagalan ka po ba?"
"Hindi naman. You and your friends can enjoy the house. Gabi na ako uuwi."
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa umalis na si lolo Mario at pumasok na lang ako sa bahay.
"En?" I called.
"Eli? Ang aga mo."
Kumunot naman ang noo ko, "Bakit may pasa ka sa hita?"
Itinaas nya ang hita nya at tiningnan, "Ah eto? Katangahan. Di ko napansin yung mesa kaya nakatama ako."
I sneered, "Katangahan nga. Ang laki laki ng mesa pero di mo nakita."
Napangiwi naman sya, "Kasalanan ko ba na nagmamadali ako? Anyways, come and help me in the kitchen. Kakatapos ko lang lutuin ang adobong manok. I need you to help me para sa lumpia."
I nod, "Okay, so where's the wrapper?"
"At the top of the refregerator." she said.
✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒
Hindi na namin napansin ang oras dahil sa paggagawa ng lumpia at sa pagpiprito nito.
Lunch na pala.
Narinig ko na may nag doorbel kaya I am so sure na sila Eros at baks na ito. And I am right, pag open ko ng pinto nakita ko ang dalawa sa may gate. Sinara ko pala to kanina.
"Ang aga mo naman dito, di naman halatang excited ka beshy no?" baks said and I rolled my eyes.
"Duh I came here early to help En since wala naman kayong balak." napaismid naman sila at naglakad na kami papasok ng bahay pero nilock ko muna ang gate.
No one must disturb us.
"Hindi naman sa wala kaming balak, busy lang ako." Eros retorted.
"Ako kakauwi ko lang galing sa farm ko." dagdag naman ni bakla.
Nagkibit balikat lang ako para maasar ang dalawa, "Okay sabi nyo eh."
"Di ka naniniwala?" Eros asked.
I laugh, "Pikon? Malamang naniniwala. Duh nagbibiro lang naman ako."
Nang makapasok kami sa loob amoy na amoy namin ang lumpia. Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko, oo nga pala hindi nga pala ako kumain sa bahay kanina bago umalis.
"Ow, may gutom na." I heard baks said.
"Kung kainin kaya kita?" I told him.
He gave me a yuck-look, "Hindi tayo talo bakla!" at humarap naman sya kay Eros, "Papa Eros ikaw na lang kumain sa akin."
Napahagalpak naman kami sa pagtawa dahil sa reaksyon ni Eros. Umiinom kasi sya ng tubig tapos nabulunan sa sinabi ni bakla.
"Hahaha baks! Sabihin mo lang if you want to patay patay that guy! Hahaha" halos mamatay na naman itong si En kakatawa.
And that is the start of our celebration. We eat, we talk and then may mga lumpia pa na natira, actually madami pa kaya naman nilagay namin sa isang lalagyanan at naghugas kami ng pinggan saka nagpunta sa sala.
"So guys ano na balak natin? We have no adventure this past few weeks." sambit naman ni bakla.
"En. Sana before mag start ng school day natin may magawa tayo." Eros suggested.
I look at them at mukhang nag iisip ng mga pwede naming gawin. Bawal naman kasi kaming lumabas sa lugar na ito kaya limited lang ang adventure na magagawa namin.
"How about entering the forest?" I asked and they look at me like I am a ghost kaya naman tinaasan ko sila ng kilay, "What?"
"You still not giving up, baks?" bakla said.
"Bakit ano ba balak nya?" tanong naman ni Eros.
"Last time we agreed na we have to punta at the forest to see if nakakatakot talaga there." En said.
Umirap naman si Eros, "Tigilan mo na ka-conyohan mo, En." at tumingin naman sya sa akin. "Mapanganib dun." he said.
Tumango naman ako, "Alam ko pero ano magagawa ko? Gusto ko talaga malaman kung ano ang meron sa lugar na ito and besides gusto ko rin makalabas." yumuko naman ako at sinabi pang, "To be honest, nasasakal na ako sa lugar na ito. We have to stay here for what reason? Why are we here? Why we cannot go outside the forest? Why are they prohibiting us from going there? Is it really dangerous? Sobrang dami ng tanong ko pero alam nyo kung ano pinaka gusto ko malaman?"
Umiling naman sila and En asked, "Bakit ano ba yun?"
"Yun ay kung safe ba tayo dito. Hindi ko naman sinasabi na nasa panganib talaga tayo but since the day I came here feeling ko talaga may mali eh. I know na mas matagal kayo dito kesa sa akin but I really cant feel at ease. I really wanted to know this place well and also to know what kind of person I am before I came here."
"If you want to know what you are before then why not ask lola Paz?" tanong naman ni Eros.
En answered, "She already did that and I am there pero wala naman kaming nakuhang sagot. Ang sabi lang nya na nilaglag talaga si Eli ng magulang nya sa bangin and then lola Paz's friend saw her at dinala sya kay lola without knowing na apo sya ni lola Paz."
"Eh bakit naman dadalhin kay lola Paz if hindi naman pala nya alam na apo sya ni lola Paz?" baks asked.
"Because she's an expert on herbal medicine. Alam ng friend nya na manggamot sya." I told them.
Sandali naman kami natahimik and then En asked, "So guys, a mild adventure or a risky and hard adventure?"
Nagtinginan kaming apat and then we all nod.
"Hard adventure." sabay sabay naming banggit and we all laugh.
"Okay since hard ito ako na ang bahala para sa food supply natin. I have too many biscuits and wafer so we will not having a hard time kung magpapagabi man tayo sa gubat." En said.
We all nod.
"Okay since si En sa snack food ako na bahala sa heavy one. I have plenty of rice so maybe ang isang sako okay na sa atin hindi naman ata tayo magtatagal sa gubat." baks added and we gave him a thumbs up.
"Fine, ako na bahala sa tubig. Water is the most important of all and sice ako lang din naman ang kayang bumitbit ng tubig." Eros said and we laugh.
"Hahaha sorry about that, Eros. Eto kasing isa pa nating lalaki naging babae." sambit ko at mas lalo naman kaming nagtawanan. "Since may food and water na ako na lang bahala sa tent. Nakit ako na may tent si lola sa bodega and ten person is enough para magkasya doon and since apat lang tayo siguro naman hindi tayo mag sisiksikan. We also have sleeping bag so don't worry about that."
They gave me a thumbs up.
"Since it settled, kelan naman tayo mag aala waderer?" En asked.
"Three days before the school start para matagal tagal." suggest naman ni bakla at nag nod kami.
"Okay, saan naman tayo papasok? Heavily guarded ang gubat." Eros asked and we look at him and tumaas ang kilay nya. "Dont tell me-"
"West forest." the three of us said at napanganga na lang si Eros sa amin.
"Nababaliw na kayo? Di ba yan ang pinakadelikadong lugar?" Eros asked.
"Bakit may proweba na ba?" En asked at umiling si Eros, "Yun naman pala eh. Aside kasi sa west side eh may guard ang iba. Sa east may dalawa, sa south may lima and sa north may bente. So paano tayo makakapasok doon di ba? No choice tayo, west talaga ang pasok natin."
"Okay, two days and one night lang tayo. Hindi tayo pwede mawala ng matagal. You know, baka makahalata sila." baks said and we all agreed.
Nang maghiwa-hiwalay naman kami ay kaagad kami nagsi-uwi sa kanya kanya naming bahay. Bukas kami ng umaga aalis at nakaisip na kami ng ipapaalam namin.
Pagdating ko sa bahay ay agad ko naman nakita na nasa sala si lola may kinukuha sa may ilalim ng lamesita.
"La? Ano kukunin mo? Tulungan kita?" tanong ko and she look at me.
"No need. Wag kang makikialam dito sa ilalim ng lamesita, naiintindihan mo ba?"
Kahit na naguguluhan man ay tumango na lang ako. Bigla ko naman naramdaman ang kaba pero hindi kagaya ng kaba kaninang umaga.
What is this?
Tiningnan ko naman si lola. She looks okay at hindi naman sya kinakabahan. Napatingin naman ako sa dibdib nya and by looking at it nakita ko ang bilis ng takbo ng puso nya.
Bakit nararamdaman ko ang nararamdaman ni lola?
"May problema ba?"
Umiling naman ako, "Wala po. Aalis nga po pala kami bukas nila En. Two days and one night po kami mawawala. May nahanap po kasi kaming pwedeng pagtaniman ng mga herbs and isasama namin si baks at Eros para malaman kung pwede nga sa lupa na iyon."
I saw her eyes glimmer a little and she smiled, "Hm. Okay. Sasabihan ko na lang si Mario. Kapag tama at pwede sa mga herbs yang lupa bibilihin natin yan."
Napamaang naman ako, "La? As in? We? Di kaya tayo mayaman."
Umirap naman si lola, "Hindi nga tayo mayaman pero ang backer namin oo. So go and get what you need."
That easy?
Akala ko mahihirapan ako sa pagpaalam kay lola but looks like I am wrong. Well, hayaan na lang.
Naglakad na lang ako papunta sa bodega at kinuha ang mga dapat kunin. Normal na dito na mawala ng dalawang araw kapag naghahanap ng lupang pwedeng taniman at normal na rin na doon matulog since ang pag aaral sa lupa hindi basta basta. Eros and baks though is different.
✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒
Nagkita kita kaming apat sa west side ng forest. Wala dito gaanong bahay and sa buong village this place is the most forbidden and dangerous kaya wala nagtatangka na pumunta dito or magtayo ng bahay dito. But us- the four leaf clover is different.
Kung nasaan ang panganib nandoon kami.
"So papasok talaga tayo?" tanong ni baks habang hawak hawak ang malaki nyang bag.
Nakatayo kami ngayon sa entrance ng west forest and we all have this excitement in our hearts.
I smiled, "Ngayon pa ba tayo matatakot kung kelan nandito na tayo at ready na tayo?" I asked and they look at me and smiled also.
"Well, wala naman sa vocabulary natin ang salitang takot so- yeah, papasok tayo." En said and we all look at the entrance.
"Tara na nagmumukha tayong tanga dito. Kung may nakakakita lang sa atin dito malamang sa alamang napagtawanan na tayo." Eros commented and we sneered, "Nag sasabi lang ako ng totoo and we need to hurry though baka may makakita talaga sa atin dito ikapahamak pa natin."
"Right. Tara na." baks said and we move forward.
Pagpasok pa lang sa gubat alam na namin na hindi magiging madali ang makalabas dito but we still take the risk. Hindi naman kami natatawag na four leaf clover if hindi kami nakikitaan ng lucky side. We know how to handle things and our group is specializing in different types of work so, yeah, malaki ang chance namin na makauwi.
Pero ano kaya malalaman namin sa lugar na ito?