For the record nagalit si Eros. Kung meron man akong kinakatakutan iyon ay si Eros. Hindi kasi maganda ang makaaway ang lalaking ito.
"Eros, darling, bakit at paano mo ba naging kaibigan itong mga to? Hindi naman hamak na mas angat ka sa kanila." pagmamalaki naman ni demonyita.
"Oh, really? Oh Eros paano at bakit mo daw kami naging kaibigan?" matapang naman na tanong ni bakla.
Sayang wala si En siguro masasabunutan nya na itong demonyita na ito if ever.
"Stop."
Gusto ko magsalita pero yung bibig ko feeling ko ayoko. Ramdam ko ang tensyon sa paligid at feeling ko mahihimatay ako sa tensyon na nararamdaman ko ngayon. Magkakahalong galit, inis at pagkadismaya ang nararamdaman ko sa paligid.
Bakit ba feeling ko nararamdaman ko ang nararamdaman nila?
"Oh tumigil na daw kayo! Hmp! Mga mababang uri! Hindi dapat kayo kinaibigan ni Eros eh!"
"Antonette I said STOP!"
Napatigil naman si demonyita sa pagsasalita at tinaasan nya ng kilay si demonyita, "Why would I? Hindi ba dapat sila ang sinasabihan mo? I'm your girlfriend here!"
"Girlfriend nga kita pero kaibigan ko pa rin naman sila!"
"Kaibigan? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo, Eros? Hindi ba sabi ko hindi ka na pwedeng makipag kaibigan sa kanila?"
"Bago pa kita maging girlfriend kaibigan ko na sila and they knew who really am I. Ikaw ba kilala mo ba talaga ako?"
"Of course—"
"No, you dont. Kasi kung kilala mo talaga ako alam mo na ayoko na ginaganito ang kaibihan ko! Alam mo at tatanggapin mo kung sino ang kaibihan ko."
"What? Akala ko ba nagkakaintindihan tayo?"
"Let's break up."
"You kiddin? Sino na magsusundo sakin? Maghahatid? Magluluto? Maglilinis—"
Hindi naman pinatapos ni bakla si demonyita magsalita at hinigit nya si Eros palayo kay demonyita at saka sinabing, "You heard him? Break na daw kayo! Hindi mo naman sya sinagot dahil lang sa mahal mo si Eros eh so leave him alone! You b***h!"
"What did you just call me?!" galit na sambit ni demonyita.
"b***h. Uulitin ko pa? Then fine, b***h! I know you very clear, b***h. Last night I saw you warming your ex's bed, oh how did I saw that? Let just say you both forgot to close the curtain. Nakalimutan nyo kasi na ang kwarto ng ex mo kaharap kwarto ko. Its so damn disgusting!"
Hindi naman nakapagsalita na si demonyita at lumapit ako saka ko sya binigyan ng mag asawang sampal with matching kabit at anak na lima.
"You dirty b***h. Come near to my friend again and said some dirty words againts us again then I wont mind giving you a hard fifty slap on your face." kalmado pero kinakitaan ko naman ng takot sa mukha ni demonyita.
"Humanda kayo sakin!" galit nyang sabi at nagmamadaling umalis.
Pasalamat sya at walang tao dito ngayon dahil kung hindi napahiya na sya. Isa lang naman syang spoiled brat na umaasa sa tatay nya. Hindi nya ba napapansin na yung tatay nya galit sa kanya dahil wala pa syang napapatunayan?
Sa village na ito proving your worth is a must kaya naman walang rumerespeto kay demonyita dahil lang sa hindi nya pa napapatunayan ang sarili nya. Not in every aspect. Ang alam nya lang kasing gawin magpaganda at magpainit ng katawan ng ex nya na mahal na mahal nya pero hindi naman sya mahal at ginagamit lang sya for warming the bed.
"Is that true, baks?" tanong naman ni Eros.
This time dahil kaming tatlo na lang ay nakitaan na namin ng emosyon si Eros.
"We better go back to En's house." sabi naman no bakla at hinawakan namin ang kamay ni Eros pero nagpahila lang sya dahil ayaw nya.
"Eros wala ako sa mood makipaghilaan maglakad ka ng maayos." sambit ko at pinaningkitan ko sya ng mata at yumuko naman sya.
"Galit ba sakin si En?"
"Nagtanong ka pa!" bulalas ni bakla at gusto ko matawa sa itsura ni Eros pero alam ko na totoo ang sinabi ni bakla. "Kilala mo ang babaeng yun and once na magdada iyon sayo good luck dahil di kami makikisali ni Eli, we will not save your damn ass!"
Eros pout his lips, "Grabe ka naman sakin baks."
"Magtiis ka!"
Naglakad naman kami pabalik kay En at ng makabalik kami nakita naman namin si lolo Mariano na pabalik pa lang a bahay kaya binati namin sya at hindi na kami pinakialaman.
"At ano naman ang ibig sabihin nito? Anong ginagawa ng isang tukmol sa teretoryo ko?" En stated.
Masama talaga ang lagay ni Eros kay En pero hindi ko naman sila parehas masisisi eh. Si Eros sinunod lang naman nya ang puso nya and En being a sensitive girl ayun nasaktan din naman sa mga sinabi ni Eros noon.
"Im sorry." mahinang banggit ni Eros.
"You what?" tanong naman ni En.
I know na narinig nya ang sinabi ni Eros at alam ko rin na may balak din naman sya makipag bati. Feeling ko pagtitripan nya lang muna itong lalakong to.
"I said I am sorry."
En snorted, "Sorry? Sorry saan? Sa pag iwan sa amin sa ere? Sa pakikipag friendship over sa amin? Sa pagsasalita ng hindi magaganda? Alin doon?"
Eros look at En and said, "Sorry for everything, En. I know I've been a jerk—"
"Really a jerk." pagsasabat naman ni En.
Napipikon na yan. Alam ko. Hahaha.
"Sorry for everything. Sa pag iwan sa inyo sa ere at sa mga masasamang salita na sinabi ko laban sa inyo. Alam nyo naman na long time crush ko si Antonette kaya sana maintindihan nyo. And also, En ikaw ang nakipag friendshop over sa akin hindi ako."
"Shall we start having a heart to heart talk now?" baks said and then tumayo sya at kumuha sa isang wine ni lolo Mariano. "I asked for this." at pinakita nya sa amin.
"Fine."
We've talk for almost three or four hours and after that we're okay. Okay na rin si En and Eros and at the same time nagbangayan na naman dahil sa nag start na naman si En maging conyo.
Nang makarating ako sa bahay ay agad ko naman nakita si lola na nakaupo sa sala kaya naman nag mano ako.
"Anong meron, la? Bakit po wala ka sa area mo?" tanong ko at tiningnan nya naman ako.
"Kailangan ba na lagi ako nandoon?"
Nagkibit balikat naman ako, "Nasanay lang naman. Akyat muna ako la ah."
Nang makaakyat ako ay agad ko kinuha ang phone ko and there is a sms rumour. Dito hindi uso ang mga social media na sinasabi ng mga lumalabas sa village. Sms ang uso dito pero hindi normal na sms dahil parang social media na rin sya.
Napataas naman ako ng kilay sa mga nababasa ko.
Eros ans Antonette broke up.
Antonette has already broke up with Eros.
Eros has been seen at the bar after break up.
What?
Tinawagan ko ang tropa ko and they all answered thr conference call.
"So whats the matter?" mataray na tanong ni bakla.
"Did you see the rumour? Hindi pa ba kayo nag oopen ng sms nyo?" tanong ko.
"Nope, hindi pa. Why? Is there problema ba?" En asked.
"Shut up, En." inis naman na sabi ni Eros. "Ano ba problema?"
Umirap naman ako. "Come on guys, pwede tingnan nyo na lang kesa sa magtanong kayo?"
"Ay high blood si ateng. Eto na po."
They all became silent. Siguro inopen na nila ang account nila and then I heard their curses.
"Heck! Eh talaga palang nakaka high blood to mga ateng!" dinig naming bigkas ni bakla.
"Assumera si demonyita? As if naman may maniniwala sa kanya di ba?" I know na napairap ang babaeng to.
"So papa Eros anong balak mo? Gusto mo tayo na lang?"
Napangiwi naman ako sa sinabi ni bakla. Kahit kelan talaga papagaanin at papagaanin talaga nya ang atmosphere kapag ganito.
"Tigilan mo ako bakla." dinig kong sambit ni Eros sa kabilang linya. "Hayaan nyo na lang sya dyan naman sya magaling eh."
Napataas ang kilay ko, "Hayaan? Eros, you okay?" tanong ko at hindi naman sya nagsalita. "Just be honest with us. Do you really love that girl?"
Matagal bago nakasagot si Eros, "Maybe it was just a false alarm. You know I thought I love her but then I realize I really don't love her. Siguro crush ko lang talaga sya."
"You're such a jerk, alam mo yun?" dinig ko namang sabi ni En.
"I know, En, I know."
"Its good that you know. As if naman you will lie to us di ba?"
"Nope, I'll put our friendship first."
Napangiti naman ako sa sinabi ni Eros and then biglang napalayo ang tenga ko sa cellphone ko ng biglang sumigaw si bakla.
"Oh my gosh! Mga ateng!"
"What the hell? Umayos ka bakla sasapakin kita!" inis na sambit ni Eros sa kabilang linya.
"Shitnit pilits! Bakla! Humanda ka sa akin pag nagkita tayo!"
"Okay, okay. I'm sorry, I freaked out." tapos narinig namin ang hingang malalim nya.
"So? Whats the matter? Bakit ka biglang sumigaw?" tanong ko naman.
"Just check your accounts." he said.
Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko ulit at inopen ang sms account ko and then another romour— or better to say a fact appeared.
Antonette did not broke up with Eros but it is Eros who broke up with Antonette.
And then a picture of us with Antonette. So may nakakita pala talaga sa amin?
Antonette was not approved by Eros friend so she give then a b***h attitude which lead to a break up.
Damay na naman kami?
Antonette caught cheating.
Halos napanganga naman ako sa nakita ko. A picture of Antonette and her ex kissing at the park and then Eros was on their back— hiding and crying.
"You said hindi mo sya love?" En asked.
"I really did not love her."
"Eh bakit ganito sa picture papa Eros?"
"I did not cry that time. Believe me. Nakita ko sila naghahalikan but I did not cry. Heck, why would I cry? Hindi ko nga naramdaman ang galit dahil sa nakilag halikan sya but the anger inside me was because of my ego."
Sabagay. Kahit naman hindi mo mahal ang isang tao na may relasyon kayo at kung ganito ang makikita mo masasaktan at masasaktan ka pa rin dahil sa pride mo eh.
Ni-loud speaker ko na lang at nagbasa pa. Halos mapanganga naman ako sa sunod na nakita ko.
Binigyan ni Eli (Eros' one of his best friend) si Antonette ng mag asawang sampal. Photo below.
And by that napabuntong hininga naman ako. "Maybe I need to tell this to, lola."
"Oo nga girl. Baka may magawa sayo yung tatay nung babaeng yun eh." worried na sambit ni bakla.
"Try nya lang sasapakin ko sya." I heard En said.
"I'm sorry guys." I heard Eros said.
"For saan?"
"Stop it En." malumanay na sambit ni Eros. "For dragging you three into this mess."
"What? Drag us basta its fun." I know En is smiling.
"Right. Sino sino ba magkakasama sa kalokohan di ba?" bakla said.
I nod kahit di naman nila nakikita, "We're glad na okay na tayong apat. At least sama sama natin silang aawayin." and they laugh.
Nag usap usap pa kami for hours and then nagpaalam na para matulog. Bago matulog ininom ko muna ang gamot na binigay ni lola.
✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒
"Akesia Cyrene Mendez napag isip isip mo na ba?" tanong ng lalaki.
Ngumisi naman si Akesia. "Tutulungan ko kayo pero sa isang kondisyon."
"Ano yun?" tanong naman ng babae.
"Akin ang buong lugar na ito." at binigyan ang dalawa ng makahulugang tingin.
"Sayo tong lugar na ito." sabi ng lalaki sa babae.
Nagdadalawang isip pero tumango pa rin at sinabing, "Sige, sayo itong lugar na ito pero hindi ka pwede lumabas dito. Hindi maganda ang may makakita sayo kaya kami na ang bahala sa lahat ng kailangan."
"Its good then." Akesia said at ginalaw nya ang hita nya. "Pwede nyo na ba ako pakawalan dito? Sobrang sakit na ng pulsuhan ko pati ng paa ko. Ang bigat kaya ng kadena nya." at umirap si Akesia.
"Hindi ako nainform, demanding ka pala." sambit ng lalaki.
"Ginusto nyong tulungan ko kayo edi magdusa kayo."
"Inumin mo muna to." at binigyan ng pills. "Its for your stamina." tinitigan naman sya ni Akesia.
"I dont believe you."
"I know but you have to."
Kahit na nag alangan ay kinuha pa rin ni Akesia ang pills at ininom.
✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒
Ugh! Ayoko na talaga uminom ng gamot na yun! Sobrang sakit sa ulo!
Gumulong gulong ako sa kama ko at napahaplos din ako sa pulsuhan ko pati na rin sa sakong ko.
"s**t ang sakit na naman! Ano ba kasi meron dun?"
I sigh.
Tama na nga makapunta na lang kina En. Syempre ligo muna.