***LEREN's POV*** "Zrion, gising. Huwag mo akong iwan," yugyog ko sa mga balikat ni Zrion pero wala na talaga siyang malay. Sobrang nanginig ako nang makita ko ang dugo niya mismo sa mga palad ko. "Zrion!!" hiyaw ko na naman. Nayakap ko siya nang sobrang higpit. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng takot at pag-aalala. Mas matindi pa kaysa kanina. Sampung beses na mas matindi. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin na mawala siya. "Boss?" Kinapa ni Al ang pulso ni Zrion. "Buhay pa siya, Miss Leren." Tigmak ng luha ang mga mata ko na tumingin sa kanya. Kahit paano ay nabuhayan ako ng loob. "Kailangan natin siyang madala sa ospital," sabi naman ni Rog. Sumisinghot akong kumawala ng yakap kay Zrion. Patuloy sa pagragasa ng mga luha ko. "Tara na. Dalhin