***LEREN’s POV*** Kulang na lang ay mabutas ang sandbag, umusok ang treadmill, at maputol ang string ng rowing machine sa ginagawa kong paghehersisyo. Wala akong pakialam kung masira lahat ng equipment ko. Bigay naman lahat sa akin ni Kent. “Kainis ka! Nakakainis ka talaga!” Isang huling suntok ko sa sandbag habang galit na galit ako. Nakalukob ang sari-saring emosyon sa aking dibdib—galit, inis, selos. Halos hindi nga ako nakatulog nang nagdaang mga gabi. Madaming umuukilkil sa aking isipan. Gani-gani sugurin ko na talaga si Zrion. Pagkatapos ay napaupo akong lumuluha na. Anong ginawa kong mali sa past life ko at bakit ganito na lang na puros pagdurusa ang tinatamasa ko? Pati sa pag-ibig nawawala ang taong mahal ko. Nakakainis. “Bakit ba ako umiiyak! Kung ayaw na niya sa akin ay d