***LEREN's POV*** Laking pasalamat ko at hindi ako sinundan ni Zrion sa kuwarto ko. Hindi ko kasi maiwasang hindi malungkot nang sobra. Ngayon pa lang ay awang-awa na ako sa sarili ko na maikukumpara sa mga babaeng nuknukan ng ka-sexy-an at kagandahan na nakapalibot sa mundo ni Zrion. "At bakit malungkot ang sweetheart ko?" Tumalon yata ang puso ko at bumalik lang pagkarinig ko sa boses niya. I didn't expect na makakapasok siya. Ni-lock ko ang pinto. "Paano ka—" Kumalansing ang bugkos ng susi na kanyang itinaas. Nakasimangot na bumangon ako paupo. "Hindi porke villa mo ito ay puwede ka nang pumasok anytime sa kuwarto nang may kuwarto," tapos pasupladang sabi ko na iniiwas na mapatitig sa mga mata niya. "Sorry for my lack of good manners, but I'm here to make you pay. Tinawag mo ak