***ZRION’s POV*** “F*ck!” Humigpit ang hawak ko sa manibela habang sinusundan ko ang kinasasakyan ng dumukot kay Leren. Kinakabahan ako na anumang oras ay mababangga sila sa bilis ng pagpapatakbo ng nagmamaneho. Maliban sa napaso kong braso sa sumabog na kotse ay maayos naman ang kalagayan ko. At naririnig ko ang pagtawag kanina sa akin ni Leren. Hindi lamang ako nakasagod dahil namilipit ako sa dibdib gawa nang hindi ko magandang pagkakabagsak. Ilang segundo na hindi ako makahinga at hindi nakapagsalita. Ang hindi ko inasahan ay ang mabibihag na naman siya ng pangong lalaki. Naisakay na siya sa kotse nang umayos ang pakiramdam ko. Pilit kong inalis ang takot ko sa puwedeng mangyari kay Leren habang sakay ng kotseng sinusundan ko. Itinuon ko ang isip ko kung paano ko mapapatigil ang sa