***LEREN’s POV*** Walang imikan na magkayakap pa rin kami ni Doc Zrion. At hinihiling ko na sana… sana hindi na kailanman matapos ang sandali na ganito ang aming eksena. Gusto ko siyang makasama tonight and tomorrow night and all the following night. Ayiee! “F*ck! I can’t breathe!” subalit ay angal na niya. Sinubukan niya akong itulak. “Dito ka lang!” but I insisted. Kinikilig na isiniksik ko pa ang mukha ko sa didbib niya. Tulad ng isang tuko ay idinikit ko lalo ang katawan ko sa kanya. Wala akong pakialam kung napipisa ko na siya. Ang mahalaga ay nayayakap ko ang napakaguwapong tulad niya. Ang tagal ko kayang pinangarap ang ganito. “Aah!” he yelped in pain. Napatingala siya habang napapikit at nakangiwi. Parang gusto kong matawa nang makita ko ang hitsura niya. Animo’y naiipit siya