PART 64

1895 Words

***LEREN's POV*** "Ouch!" daing ni Zrion nang pinaupo ko siya't sinuntok sa braso. "Umupo. Ka. Diyan!" inis na inisa-isa ko talagang bigkas na utos sa kanya nang akmang tatayo pa. "Aray," daing din ni Kent nang sinipa ko naman siya sa binti. "Umupo ka rin!" maawtoridad na utos ko rin sa kanya. Nakatatak na sa isip ko na kapag hindi nila ako susundin ay ako na lang ang titigok sa kanila, tutal ay balak naman yata nilang magpatayan. Sina Corinne at Xalene natatawang umupo na rin. Napakalalim na buntong-hininga ang ginawa ko. Dalaga pa ako pero bigla ay parang nagkaroon ako ng dalawang anak na lalaki na parehas matigas ang mga ulo kaya hindi magkasundo. Anak ng tokwa! "Nerds, anong oras kayo uuwi mamaya?" baling ko kay Corinne. "Ewan ko kay pimps," baling din ni Corinne kay Xalene.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD