***ZRION's POV*** "Sige, magkuwento ka. Makikinig ako," pambabasag finally ni Leren sa kanyang pananahimik matapos ang madamdamin niyang pag-iyak habang yakap-yakap niya sa dibdib niya ang ID ng kanyang kapatid na aking ibinigay sa kanya. Nakasiksik siyang nakaupo sa dulo ng mahaba nilang sofa. Nakataas ang dalawa niyang mga paa. "Are you sure?" I asked mildly. Natatakot kasi ako pero hindi dahil baka mas kamuhian niya ako oras na malaman niya ang buong katotohanan, natatakot ako kasi baka hindi niya makayanan. Tigmak ng luha ang kanyang mga mata na tumitig sa akin. "Kay tagal ko nang gustong malaman bakit ganoon kabrutal ang sinapit ng kapatid ko. May tama na siya ng bala ayon sa autopsy na siyang kanya sigurong ikinamatay pero bakit kailangang mawala pa ang mga ibang mahahalagang or