***ZRION's POV*** "Ano, Al? Nakuha mo na?" "Wala pa, boss." I blew out a short breath of frustration. Ramdam ko na ang panginginig ng mga tuhod ko dahil sa sobrang pag-aalala para kay Leren. Pinipilit ko lang na pinapapayapa ang pagpupuyos na damdamin ko. Bakit kasi ngayon pa ang wala akong magawa?! F*ck! Hanggang sa nakaramdam ako ng malakas na udyok na tawagan ang aking ama. Maligalig ang mga daliri ko na tumatapik-tapik sa tuhod ko. Panay rin ang pagpikit ko habang tinitimbang kung susunod ba ako sa kahuli-huliang paraan na naisip ko o hindi. Minsan pa ay napatingin ako sa aking pambisig na relo. Limang minuto ulit ang matuling lumipas. If I don't act quickly and make a choice, I will lose all the time I have to save Leren. "Ah, bahala na!" Dali-dali ko nang dinampot ang cellph