***LEREN's POV*** Yakap-yakap ko ang unan habang nakahiga sa kama. Sa presensya ni Zrion sa bahay ay hindi ako makatulog. Kung kailan ang sarap sanang matulog dahil sa lamig ng panahon gawa ng malakas na ulan. Idagdag pa kasi na parang nagsi-seesaw pa ang mga emosyon ko sa dibdib ko. Magkakahalong tuwa, frustration, kaba, at asar ang nararamdaman kong makasama ulit siya sa iisang bubong. Nahahaluan pa nga ng konting pagdududa dahil duda na talaga ako sa kanya. Katulad ni Rog kanina ay parang alam niya na ako si Leren. Napakunot-noo ako at bumangon. Umupo ako sa ibabaw ng kama ni Kuya Rain tapos ay nag-isip. Kumibot-kibot ang mga labi ko. Tumirik-tirik ang mga mata ko. Ang gulo talaga. Kasi kung alam niya na ako si Leren, bakit nagpapanggap siya na hindi niya alam? Bakit ganito ang t