***ZRION’s POV*** “Kailan pa naging lingerie model si Leren?” Ang kasalukuyang kumakain na si Rog ay nasamid. Nagkandaubo-ubo siya. Mabalasik ang naging tingin ko sa kanya. “So, for all this time alam mo na nagmomodelo si Leren na halos kita na ang kanyang kaluluwa. And you didn't even report it to me?!” “Uhm…” Lumunok ng ilang beses ang walang silbi kong tauhan habang nagpupunas ng kanyang bunganga. Mabuti na lamang at tiningnan ko ang curriculum vitae at set card ni Leren kaya nalaman ko na recently ay naging model siya ng Red Lace. “Magsalita ka!” bulyaw ko na sa kanya. Napakamot ng ilong si Rog bago sumagot. “Sorry, boss. Sinadya ko na hindi sabihin sa iyo dahil baka kahit hindi ka magaling ay uuwi ka na.” “Aisst!” Nanggagalaiting binuksan ko ang drawer ng desk ko at inilab