"Minah buhay kapa!" sigaw ni lottie. Bigla kong sinara yung pinto pagkapasok ko dahil sa lakas ng boses niya. "Anong nangyari? Bakit ang tagal mo bumalik?" "Lottie hinanap kasi namin ni nay lydia si Sylvester. Bawal daw kasi siyang mabasa kaya tumulong na ako sa paghahanap." Humakbang ako papuntang kama at nagtanggal ng sapatos. Si lottie naman ay nakasunod sa akin mukang marami siyang itatanong. "Talaga Minah, alagang alaga talaga nila yung kuting na yun noh, teka may nakita ka bang multo?" "Lottie wala ngang multo. As in wala," sabi ko pagkatanggal ko ng sapatos ay kumuha naman ako ng damit pamalit at tuwalya doon sa cabinet. "Hindi kapa rin nakakita eh gabi kana nga nakabalik at alas otso eksakto pa," sabi niya at lumakad nalang papunta sa kama niya. Lottie wala akong multong naki