Pagkatapos ng tanghalian ay diretso agad kame sa gogh mansion. Ganun pa din ang bilin ni nay lydia. Bawal gumamit ng tubig at bawal buksan ang pinto na mukang painting. Habang naglilinis ay nasa isip ko pa rin yung wig ko. Hindi ko namalayan na natapos na pala kaming maglinis. Pagkatapos naming maglinis ay pinabalik na agad kami ni Nay Lydia sa monet mansion. Habang lumalakad ay panay din ang lingon ko sa paligid. Baka sakaling tinago lang yun ni sylvester sa kung saan. Ayaw kong isipin na nakuha iyon ni Mr. Z pero wala eh iyon talaga ang nasa isip ko, na pakiramdam ko lagot na talaga ako. Paakyat na ako ng hagdan ng Monet Mansion ng tawagin ako ni Nay Lydia. Yung mga kasama ko ay nagsi-akyatan na at ako na lang ang natira. "Minah, halika." "Bakit po," tanong ko at bumaba ng hagdan par