Pagkatapos nang dalawang oras ay tapos na kami sa paglilinis. Sa labas na kami ng picasso naghintay kay Nay Lydia. Ayaw talaga nang mga kasama ko na magtagal sa loob dahil naniniwala parin sila na may multo doon. "Minah magkwento kana kasi," bulong ni Lottie na nasa tabi ko. Alam ko ang tinutukoy niya, magkwento na ako kung bakit ako palaging nakangiti. Lottie gusto ko din magkwento sayo kaso hindi talaga pwede. "Lottie ano bang ikukwento ko sayo?" "Kung may crush kana? Kung may boyfriend kana o kung may nanliligaw na sayo?" "Lottie, naiihi ako. Mag banyo muna ako," palusot ko at lumakad na papasok ng Picasso Mansion. Dumiretso agad ako ng c.r. at nagbanyo. Pagkatapos ay naghugas ng kamay. "Hay, kelan ko kaya masasabi sa kanila," bulong ko sabay hinga ng malalim.Ipupunas ko na sana yu