"OH, Bernard apo ko. bakit ka umiiyak?" maang na tanong ni Aling Wilma nang nabungaran sa harap ng store nila ang apo na umiiyak. "Ayaw po kasi nila akong kalaro, lola. Wala naman po akong kasalanan sa kanila pero bakit ayaw nilang makipaglaro sa akin," tugon nito habang umiiyak. "Dito ka na lang sa bakuran, apo. Huwag ka ng malungkot. Hayaan mo na sila," saad na lamang niya. Subalit ang kaniyang puso ay nadudurog dahil sa awa sa apo. Ilang taon na rin simula noong sabay na namatay ang anak niya at asawa nito. Ganoon na rin katagal na lagi niyang nakikitang umiiyak ang apo dahil ayaw nilang kalaro. Walong taong gulang na ito, nasa unang grado na sa elementary pero ganoon pa rin lagi itong nag-iisa kahit pa sabihing hindi pinapabayaan ng guro nila. "Nakakainggit naman kasi sila, Lola.