CHAPTER THIRTY-SEVEN

1170 Words
"IT'S been almost two since your wedding day and parting time with your wife, son. Kumusta ka na? Pasok ka, nasa loob ang mga pamangkin ninyo," salubong na pahayag ni Ginoong Terrence sa manugang. Hindi tuloy niya alam kung matutuwa ba o maaawa sa manugang simula pagkabata. Kung kailan ikinasal sa simbahan sng dalawa ay saka pa nagkataong na-deployed ang anak niyang leona. "Okay lang po, Daddy. Tumawag na ba siya rito sa inyo? Kasi sa akin wala pa simula pa noong ihinatid ko siya sa airport," tugon nito habang sumabay sa kaniya sa paglakad papasok sa loob ng kabahayan. "Anak, kung gaano katagal na hindi tumawag sa iyo ay ganoon din sa amin. Noong hindi pa kayo ikinasal sa simbahan ay talagang madalang siyang tumawag," aniyang muli saka bahagyang tumigil sa paglakad saka at lumingon sa gawi nito. Kaya't kitang-kita niya ang namuong pangungulila sa mata nito. Idagdag pa ang pangamba at pag-aalala na bumalatay sa mukha nitong maputi. "Actually, I'm deadly worried already, Daddy. Kung sa Los Angeles siguro siya ay baka mas madali pa ang makibalita. Subalit ayon sa kaniya ay deployed sila ng team niya sa Baghdad Iraq. Kaya't wala tayong magawa kundi ang maghintay ng tawag niya upang ibalita ang kalagayan," ilang sandali ay wika nito. Kaya naman ay naumid ang kaniyang dila. Walang ibang nakakaunawa rito kundi silang magulang ng asawa nito. Ngunit dahil wala siyang maapuhap na sasabihin ay tahimik lang niya itong iginaya sa loob ng kabahayan kung saan naroon ang kambal na apo sa panganay na anak. SOMEWHERE down the road. "Sayang, honey. Nakapasyal nga tayo rito sa Baguio ngunit hindi natin naabutan ang kasal nina Whitney at Patrick Niel. Kumusta na kaya sila?" tanong ni Macel sa asawang si Bong. "Iyan ang tanong na hindi natin masasagot, honey. Alam ko naman ang address ni Doctor Aguillar subalit Nueva Ecija naman iyon. Dahil iyon ang ibinigay sa akin," tugon nito. Ibubuka pa lamang ni Macel ang labi upang sagutin sana ang asawa. Subalit umingit ang batang si Bernard Frederick. Oo! Nasa kanila pa ang batang ipinakiusap sa kanila ng naging kliyente na iyuwi sa ina nito. Ngunit dahil sa kagustuhang sagarin ang pagtulong dito ay ipinasyal nila ito at mabilhan ng ibang gamit bukod sa binili nila sa Saudi. "Nagugutom ka na ba, baby? Gusto mo ba ng gatas?" masuyo niyang tanong. Subalit ano pa nga ba ang aasahan niya sa ilang buwang sanggol? Kaya't sumenyas na lamang siya sa asawa na ipigtempla ito. Hindi nga naglaon ay muli itong natulog habang sumisipsip sa bottle milk. "Ilang buwan pa lamang siya pero nakikita ko ang mukha ng Tatay niya sa kaniya, Hon," saad niya nang muling natulog ang sanggol. "Oo, honey. Tandang-tanda ko pa kung paano nagalit si Niel noong nalamang namatay ang dalawa ngunit may naiwang sanggol o ang baby ni Jona. By the way, baka maari tayong magtanong-tanong sa mga tao rito. Wala naman sigurong masama kung dalawin natin sila," pahayag naman ni Bong. Iyon nga ang ginawa nila. Sinubukan nilamg nagtanong sa mga maaring mapagtanungan. Subalit laking panlulumo nila dahil nalamang na-deployed si Whitney sa araw mismo ng kasal. "SIGURADO ba kayong ito ang tamang address na pupuntahan natin?" mahinang tanong ni Whitney. Aba'y mas disente pang tingnan ang guard house ng bahay nila sa Baguio kaysa ang building na nasa harapan. Dahil kung tutuusin ay isa itong abandonadong bahay. "Iyan naman, Madam ang nakuha ko sa bulsa ni Hussain---" "Move backwards, men! Disperse and hide yourselves now!" mahinang utos ni Whitney. Bilang alagad ng batas ay naging maagap siya. Kitang-kita niya ang kumikinang na armas nakatutok sa kanila. "F*ck! Did that bald man send us here to die? D●mn! This place is the most racist I've ever seen!" Ngitngit niya saka pumuwesto sa medyo matagong lugar at inasinta ang sniper gun. "William, tulungan mo si Jones sa computer at alamin ninyo kung ilang tao ang nasa loob ng building. Wala tayong ibang iisipin sa ngayon kundi ang malaman kung ano ang dahilan kung bakit tayo ipinadala rito sa kabila ng kaalamang teritoryo ito ng mga halimaw. Nagkakaunawaan ba tayo?" patanong niyang sabi habang inaayos ang sniper gun niya. Iyon ang kagandahan ng armas nila. A high-precision, long-range rifle. Requirements include high accuracy, reliability, mobility, concealment, and optics for anti-personnel, anti-materiel, and surveillance uses by military snipers. She is a person who was trained to shoot perfectly at things that are very small or very far away. Well, her target is usually an enemy. She got special training to use a sniper rifle or a special type of gun. 'Okay, fine! Kung gag*han ang nais ninyo ay pagbibigyan ko kayong lahat. Hindi man namin kayo mauubos ngayon ay hindi na bale. Ang mahala ay makalabas kami ng buhay sa impeyernong ito. At ikaw namang kalbo ka, humanda ka sa akin. Dahil ikaw ang una kong haharapin pagbalik ko. Hay●p ka! Ipinadala mo ang iyong mga tauhan sa kanilang kamatayan!' Lihim niyang ngitngit dahil sa kaisipang tumatakbo sa kaniyang isipan. 'Nasa alanganing sitwas kayo ng mga tauhan mo, Hija, subalit iyan pa sng iniisip mo ah. Maari bang bumalik nuna kayong buhay sa Los Angeles bago iyan?' Ang lintik pa niyang inner mind ay nang-asar pa. Ngunit dahil na rin sa abala siya sa pagmamasid sa kaganapan sa papasukin sana nilang building ay hindi na niya pinatulan. Sarili lang din naman niya ang kausap! "Madam, mayroong alarm device sa bawat panig ng building including the entrance. Two guards on each corner. Pagpasok naamn ay may hagdan pababa sa main living room. May walong lalaki na nag-uusap sa loob mismo ng building. Sa hitsura pa lamang nila ay mga opisyal ng bansa. Sa south West na bahagi ay mayroon ding exit area. Kung ano ang nasa exit a hindi ns makuha ng computer." Pagbabalita ni William. Dahil iyon naman talaga ang nakuha ng surveillance gadget nila. "F*ck! Kung ganoon, alam na nilang nasa paligid tayo? Anim na lang tayo, guys. Ayaw kong may malagas pa sa ating anim. Kailangan nating makakuha ng impormasyon kung ano ang kaganapan sa loob baka sakaling iyan ang maging susi natin sa pag-uwi sa Los Angeles," aniyang muli ni Whitney. Dahil na rin sa report ng tauhan niyang nakatuka sa computer ay hindi siya nahirapang hanapin ang bawat linya ng camera. "Tama ba ang iniisip ko, Madam Aguillar? Aba'y sa isang iglap ay nasira mo ang mga cameras nila," tinig ng radio-man niya. "Yes, Vander. Dahil hindi tayo makakapasok sa building na iyan kung may camera. Naka-silencer ang mga baril natin kaya't malaya tayong makagawa ng diversions," tugon niya saka muling ipinuwesto ang mata sa upang alamin ang latest sa misyon. Samantala abala ang mga tao sa loob ng building sa pinag-uusapan. Subalit dahil sa nawalan ng linya ang monitor ay napabaling silang lahat dito. Kaso! Hindi pa sila nakagawa ng hakbang upang alamin sana kung ano ang dahilan at nawalan ng linya ang kanilang camera ay binulabog naman sila ng malakas na pagsabog! Tuloy! Ang pagdadasal kuno nila ay naudlot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD