THEY run as fast ay they could! Lahat ng mga tauhan De Janiero Detective Agency na sumama ng oras na iyon ay nagsitakbuhan din ng narinig ang sunod-sunod na putok. "Diyos ko, huwag mo namang ipahintulot na may masamang mangyari sa dalawa." Hindi mawari kung bulong ba o ano na sabi ni Leona. "Bulong ba iyun leona ko o---" "Nasa alanganing sitwasyon tayo, lampang lalaki! Kaya't huwag na huwag mo akong buwesitin kung ayaw mong tamaan sa akin!" Putol at angil ni WP sa pang-aasar ng asawa sa kaniya. Well, lahat naman sila ay nag-aalala para sa dalawa. Ngunit wala namang maidudulot kung magpadala sila sa nerbiyos. Dati itong matinik na sniper sa FBI at kamakailan ding nagretero sa pagka-abogada. Ganoon din siya. Nang nagtapos ang bunso nilang anak at nakapasok sa isang sikat na bangko sa Lo