"ABA'Y maaga pa naman sa pagkakaalam ko, anak. May lakad ba kayo ng asawa mo? Nasaan ba siya at ikaw lang itong pumarito samantalang kalong-kalong mo si Charlotte." Salubong ni Ginang Rowena sa manugang na hindi yata marunong magalit. Laging nakangiti kahit sino sa kanila ang kausap. Actually, nasa Baguio silang mag-asawa dahil sa agricultural meeting. Kaya't nasa tahanan sila ng mga butihing biyanan. "Okay lang po, Mommy. Kaya ko naman po. About my husband, naghahanda na po sa pagpasok. Mamaya po ay kakatok na naman ang mga tauhan at securities niya. Ah, wala po kaming lakad, Mommy. Gusto ko lamang po kayong makausap ni Daddy, sina Grandma at Grandpa," nakangiti nitong tugon saka inayos sa stroller ang six months old niyang anak na si Charlotte Ethan Muller Aguillar. Dahil dito ay napa