"WHATS the matter wrong with you, people?" galit na tanong ni Whitney. "Madam, you are here on the school premises, so would you mind knowing your manner?" saad ng isang katulad niyang ina. "Kapag ako ang magalit ng tuluyan ay talagang sa kulungan lahat ang bagsak ninyo. Ngayon, sagutin ninyo ang tanong ko---" Kaso hindi na niya iyon natapos. Dahil may isang bata ang lumapit sa kaniya. Kung hindi siya nagkakamali ay kaedaran ito ng prinsesa niya. Grade six na ito. "Ma'am, ikaw po iyong Mommy ni Abigail Eunice, diba?" tanong nito na halatang habol-habol ang hininga. "Yes, darling. Do you know where she is?" balik-tanong niya. "Opo, Ma'am. Halika po at samahan kita," anitong lakad-takbo ang ginawa. Then... "Hey, brat! Bakit ba lagi kang umiiwas sa amin? May nakakadiri ba kaming saki