"KAILAN ka na naman kaya susulpot dito sa Baguio, anak? Aba'y parang kailan lang noong dumating ka, pero ngayon ay paalis ka na naman," malungkot na wika ni Ginoong Terrence.
"Hanep naman itong si Daddy, oo. Hindi pa ako nakakaalis pero ang pagsulpot ko na naman ang sinasabi. But, by the way, hindi ko po alam, Daddy. Dahil sa pagkakataong ito bukod sa maging LEONA ako ay escort din ng Los Angeles lawyer na ipapadala ng LA Embassy ng Riyadh, Saudi Arabia," tugon ng dalaga.
Subalit napaubo naman siya nabg nagwika ang inang hindi napag-iwanan ng panahon ang kasutilan.
"Hon, hayaan mo na ng pasulpot-sulpot. Aba'y, malay natin, baka o kalabaw sa palayan nina Pareng Ace Cyrus sa Nueva Ecija ay makasalubong na niya ang maging kawangis ng buhay. Tingnan mo sina Janellah at Nathalie Janelle. Ikinasal na ang huli at may lampang lalaki na raw ang tagapagmana ng hipag kong Kaskasera. So, let her be, honey," anito.
Speaking!
Lampang lalaki!
"Hah! Huwag na, Mommy. Kung kagaya lang ng lalaking iyon na wala na yatang magandang naidulot sa buhay ko ay huwag na po! Magpasalamat siya at kuwelyo lang niya ang hinablot ko last week. Dahil sa kaniya ay nakatakas ang mandurugas na hinahabol ko sa airport. Kaya't erase-erase na muna sa mga lalaking---"
"Ano'ng nakakatawa, Mom, Dad? Hah! Baka naman gusto ninyong mapasukan ng langaw ni Ara ang mga bibig ninyo?"
Maang na pinaglipat-lipat ni Whitney ang paningin sa mga magulang na basta na lamang napahalakhak. Subalit hindi na nakasagot ang mga ito dahil inunahan naman mg Kuya niya.
"Leona ka sa pagkakaalam ko hindi mapanglait na tao, kapatid. Subalit ngayon ay mukhang may nakabanggaan ka sa daan habang namamasyal dahil basta ka na lamang nanglait. Pero, tandaan mo ito, kapatid. Mahirap magsalita ng patapos. Like me during my younger years of living, sister."
Inalalayan nito ang hipag niyang bagong panganak na kababa lang mula sa silid nito. Subalit hindi naging sagabal iyon upang hindi siya magisa!
"Hayaan mo na ang Kuya mo, Sis. Go and do your best by doing the things that you want. For a person like you who devoted yourself to your country and countrymen, God will surely bless and guide you. Take care always wherever you go, Sis." Sinalo naman ni Shainar Joy ang pahayag ng asawa. Dahil hindi nalingid sa kaniya ang reaksiyon nito.
Well, sa ganoong ugali naman niya ito nakilala. It's  been a while since she became part of Harden family and before she got married to Bryan Christoph their family and hers were close friends up to the present. Kaya't masasabi niyang kilala at sanay na siya sa ugali nito.
"Yes, Ate Ligaya. Huwag kang mag-alala. Dahil kilala ko na ang masungit na iyan. At isa pa ay talagang lampa ang lalaking iyon. Twice nagsangga ang landas namin pero dulot ay pawang kamalasan. Kaya't  kaaway ko pa rin hanggang ngayon."
"Mom, Dad, mauna na po ako. Huwag n'yo muna akong hanapan ng manugang. Dahil hindi ko pa nakasalubong ang future kabiyak ng puso ko. Ah, erase-erase na! I'm going now."
Pinaglipat-lipat niya ang paningin sa mga ito. Ngunit ang mukha ng kaaway niya ang nakikita. Kaya't mas binilisan pa ang paglakad papalabas ng mansion. Dahil kanina pa raw naghihintay ang driver!
SAMANTALA pagkaalis ng dalaga ay agad-agad hinarap ni Shainar Joy ang asawa.
"Ikaw, honey, aba'y hindi mo na pinatawad si Whithey. Paalis na nga siya pero pinabaunan mo pa," aniya.
Kaso ang biyanang babae naman ang nakatawang sumalo rito.
"Hayaan mo na, anak. Dahil totoo naman ang sinabi niya. Hindi mapanglait ang taong iyon kahit leona. Ngunit nanghahablot kung nagagalit kahit lalaki pa iyan. By the way, maaga yatang nangapit-bahay sa Mommy at Daddy mo ang panganay ninyo ah," anitong hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi.
"Kapag sumemplang iyon ay kasalanan mo,  Hon. Alam mo namang halos doon manirahan kina Tita Sheryl. Kapag tatawag si Lewis Roy at ibalita---"
Kaso!
Hindi pa nga natatapos ni Ginoong Terrence ang pananalita ay lumapit ang isang katulong. Nasa kabilang linya raw ang kaibigan niyang si Ace Cyrus. Kaya naman ay ang tatlo na lamang abg nagpatuloy. Dahil ang isa sa matalik niyang kaibigan ang kinakuwentuhan.
"WELCOME back, doctor Aguillar. We are happy to have you again here in Al - Jazeera." Masayang pagsalubong ng may-ari ng pagamutan kung saan nagtratrabaho si Niel sa kaniya.
Actually,  two weeks  na siyang nakabalik sa naturang  pagamutan pero  napag-alaman niya sa mga kasamahan niyang doctor na out of the country ito. kaya't ng nalaman niyang dumating  na ito ay agad niya itong pinuntahan sa opisina  nito.
"Thank you, Doctor. And I'm happy too that I'm one of your doctors her," sagot naman ng binata saka naupo sa visitor's  chair na itinuro ng doctor. 
"Well, everyone who's deserving to be part of it, we  will give the chance and you are one of them. How's your vacation then in your country?" patanong nitong sagot.
Sa narinig ay  napangiti ang binata.  He enjoyed his vacation too much. Although wala ang kambal niya. Dahil kagaya niya itong sa nasa ibang bansa. Pero ayon sa  mga magulang niya ay  malapit na ring itong  uuwi kasama ng grupo nitong sobrang loyal. Dahil kahit sa ibang bansa ay mas pinili pa rin ng mga ito ang sumunod.
"Well, I enjoyed it, Doctor. We had a lot of  fun together with my family there in my home land. By the way, I brought you a hadiya(gift), Sir." Maluwag  pa rin  ang ngiti na nakabalot sa  mukha niya habang nagsasalita. 
Para naman kasi sa kaniya ay showing and wearing his smile are his assets. Mabigat  at mahirap ang trabaho niya bilang head doctor ng buong Al - Jazeera. Idagdag  pa ang mga makukulit na ibang lahi niyang kasamahan at higit sa lahat ang mga pinaka pa sa pinakamakulit na pasyente. Pero dahil tinanggap  niya ang trabahong  iyun ay hinahabaan na lamang niya ang kaniyang pasensiya. 
"Oh, thank you very much, Doctor Aguillar. You're one of a kind hearted person. Allah  bless  you and your family."
Hindi matatawarang kasiyahan ang lumukob sa sarili habang hinaplos-haplos  ang isang katamtamang laki  na doctor's  image in figurines style na gawa sa  crystal na sulat na general director. At sinadya  pa niya itong ipinagawa sa kumpanyang pag-aari  ng kanilang pamilya o  na namana ng kanyang ina sa mga yumaong magulang. May branch na din ito sa Ilocos Sur sa Sta Maria bilang  pag-alala ng mommy nila sa dati nitong yaya  na naging yaya  na rin nila. Namatay na nga lang ito  sa katandaan.
"You're most welcome, doctor," masaya ding sagot ni Niel.
Isa  sa kaniyang nakasanayang  buhay ay ang pagiging  masayahin, laging may ngiti na nakabalot sa mukha.  At malaking bagay na rin  iyon sa kaniya dahil sa pagiging palangiti niya ay nagiging mabait  din ang mundo para sa kaniya.
PERO dahil sa kabaitang iyon ay nagtiwala siya sa nga taong hindi lubusang kilala. Ang mga taong wala ng ibang inisip kundi ang manakit at mainggit sa kapwa. At higit sa lahat ay ang mga taong hihila sa kaniya paibaba at sisira sa buhay niya.
"Epal na naman ang loko. Imagine kadarating lang ng  big boss nandoon  na naman siya?" paismid na tugin mi
"Sinabi mo pa, huh! Ang gago  eh mahilig  mangulekta  ng atensiyon  ng tao. Kundi  lang kagaguhan  ang alam niya," tugon naman ni Bernard. 
"Paano kaya natin siya mapapabagsak, 'Pre? Nakakalalaki na siya eh," muli ay ani Alfred. 
Sa  tinuran niyang iyon ay napangiti  si  Bernard bagay na nagdulot ng kuryusidad kay Alfred. 
"What's  on that smile, 'pre? Baka naman puwedi nating malaman iyan?" tanong nito.
"Kailan ka pa ba naging slow, Pare? Tsk!  Alam mo na ang sagot diyan at hindi na dapat tanungin  pa," nakaismid niyang sagot.
Dahil  hindi agad tumino  sa  isip niya ang tinuran  ng kaibigan  niya ay napakunot-noo  siya.
"My friend, my friend, wake up. Ano ka  ba? Naging slow ka na nga ng tuluyan ah. Ganito lang iyan as simple as this. Hindi na kailangang tanungin kung ano ang gagawin natin para mapbagsak  ang gago  at tayo naman ang maging mabango  sa mga arabong iyan.
So far as I know, hindi pa naman naghihiwalay ang dalawa kahit madalas  pa rin nating gawing parausan ang puta. So it's not questionable  kung ano ang gagawin natin para mapabagsak siya. Nandiyan si Jona, pare. At siya ang gagawin nating stepping stone para sa next step natin lalo at nakabalik  na ang loko."
Ayon! Nakangising nagpaliwanag ni Bernard sa kaibigang hindi makuha-kuha ang nais niyang tumbukin.
Mula sa kunot-noo ay  kulang na lamang ay maging araw dahil sa liwanag ang mukha ni Alfred. 
"Very well said, 'tol! Bakit nga ba hindi ko naisip ang bagay na iyan? So kailan natin isasakatuparan ang plano?" Animo'y  sinaniban ng demonyo ang tao dahil sa hitsura  nito.
"Kaya nga sabi ko nagiging slow ka na yata eh. Kailangan pa bang itanong ang bagay na iyan? Hindi na, Pare. Dahil nasa atin ang alas. So, only we need to do is to draw the plan," nakatawang paliwanag ni Bernard na sinang-ayunan din ni Alfred. 
"Yes, pare. I know it. Kaya't kailangan na nating magmadali. Aba'y kung hindi ay tatlong taon na naman nating makasama  ang hayop na iyon eh," muli ay wika nito.
Tumagal pa ng ilang minuto ang pag-uusap ng magkaibigan tungkol sa planong pagpabagsak sa kanilang kaibigan dahil sa inggit.
SAMANTALA sa loob  ng ilang buwan niyang pag-iwas  ni Jona sa binata at ilang pagiging s*x slave sa mga taong itinuring  niyang mga kaibigan ay nakapag-isip-isip din siyang wala naman sigurong masama kung kakausapin niya si Niel. Hindi upang makipag-ayos dito kundi para humingi ng tawad sa mga pagkukulang at ipagtapat  na may iniwan siyang ka  live-in partner  sa  Pilipinas.
"Mahal ko siya pero kailangan ko ng  harapin ang katotohanang kailanman ay  hindi puweding maging kami ni Niel," bulong niya habang hawak-hawak ang  cellphone.
Nabalitaan din niya ang muling  pagbabalik nito sa bansang Saudi Arabia. Sa pamamagitan din ng mga hayop nitong kaibigan. Iyan ay  kung kaibigan nga ba nito ang dalawang patuloy na bumababoy sa kaniya. Ngunit para sa kaniya kung iyon ang kaparusahan na ipinataw  ng Panginoon dahil sa  kaniyang panloloko sa dalawang lalaki na naging bahagi  ng buhay ay maluwag niyang tatanggapin.
Nakailang beses  din siyang nag-dialled pero wala siyang nahintay na sagot. 
"Siguro galit na siya sa akin dahil sa pag-iwas ko sa kaniya bago man makauwi  para sa bakasyon nito," malungkot sambit ni Jona ng ilang beses na siyang nagdialled pero walang sumasagot.
Pero paano nga ba makasagot ang taong busy sa  buong maghapon?
At halos makaligtaan ang oras?
"DOCTOR Aguillar, your phone is ringing  continuously. I guess it's very important." pukaw sa kaniya ng ibang lahi  na secretary 
"Oh, I didn’t notice that my phone is ringing, Miss Danica. Thank you," tugon na  niya.
"You're welcome, Doc. I'll  be at my table when you need something," sagot nito.
Ngumiti na lamang ang binata bilang sagot  dito. Agad  niya itong dinampot sa kinalalagyan.
"Sino naman kaya ang tatawag sa  akin sa  ganitong oras. Alas-diyes  na sa Pilipinas ah," bulong niya saka nag-inat-inat. Subalit agad-agad din  napaupo ng matuwid dahil sa nakitang pangalan na caller.
"Thanks God! She's calling me now!" he exclaimed upon knowing  that hmthe caller was the one whom he loved the most.
Pero  laking dismaya niya ng nag-end call na ang tawag bago pa niya ito masagot.
"Ako na nga lang ang tatawag sa kaniya. I really miss her," bulong niya sa kawalan.
"Please answer it, hon. I miss you."
Aburido niyang bulong dahil parang gumaganti lamang ito sa hindi niya pagsagot agad. Dahil  hindi na rin niya mahintay  na sumagot ito ay  gumayak na siya para makauwi na.
"Nakauwi  na siguro sila pareng  Alfred at Bernard past five na. Matawagan  ko nga ulit si Jona bago ako tuluyang lalabas ng  opisina."
Iyon nga ang ginawa niya. Nag-dial siyang muli after he prepared his things at laking  pasasalamat niya ng sumagot ito.
"Hello, honey. I miss you." Malambing niyang  salubong dito kahit pa sa cellphone lamang sila nag-uusap.
"Puwedi  ba tayong mag-usap, hon---Niel?" utal  pa nitong sagot.
He miss her so much. Kaya't hindi na pinansin ng binata ang bagay na iyon.
"Sure, hon.  Gusto mo ba akong pumunta  riyan?" agad na sagot at tanong ni Niel.
"Sa off na lang natin, Niel. Marami tayong  pag-uusapan. Kaya't kailangan nating magkita para makapag-usap tayo ng maayos pero sa ngayon sa phone muna at magkikita tayo sa Friday if you can," pahayag niya.
"I miss you so much, honey. Ngunit kung iyan ang gusto mo sige lang. Sa Friday  na  lang tayo magkikita. I love you, honey." malambing na sambit ni Niel.
Hindi na ito pinansin ni Jona. Kailangan na niyang panindigan ang planong iyon. Dahil baka magbago pa ang isip niya kapag  atras-abante siya.
"Maligayang-pagbabalik dito sa Middle East and congratulations  sa promotion mo few  months ago. Buy your needs now, Niel. Because I need to cut this call too," tugon  ni Jona saka mabilis na pinatay ang tawag.
Upon reaching  the bus, napatigil siya. Dahil noon lang  tumino ang lahat sa  kaniyang isipan. Pero bago pa siya maiwanan ng service bus nila ay umakyat  na siya at naupo sa bakanteng upuan sa  may likod ng driver.
Magkakaayos na nga ba silang dalawa?
O
Mas masadlak sila dahil sa makamundong ligaya?