"ANO'NG masamang espirito ang sumanib sa iyong bata ka at basta ka lang sumulpot? Aba'y inaway-away mo na naman ang asawa mo ano?" taas-kilay na tanong ni Ginang Yana sa pamangkin ng asawa na kapwa leona mg anak na walang nakakaalam kung nasaan. "Hanep si mother earth oh. Peace kami ngayon ng asawa ko. Ah, kapwa Aguillar pala ng manugang ninyo," nakatawa pang sagot ni Nathalie Janelle. "Hmmm, hayaan mo na ang mga apelyido ninyo ng kapwa mo leona, anak. Ah, huwag mong iliko ang usapan. Ikaw ang madalas kausap ng babaeng iyon. Kaya't kung alam mo kung nasaan ay sabihin mo na," masaya na ring tugon ng Ginang. Pamangkin ito ng asawa niya sa bunsong kapatid. Ngunit mas higit pa roon ang turingan sa isa't isa. Ang Daddy nitong retired military General ang saviour nilang mag-anak. Bukod sa sak