"Love, gising na. May pasok ka pa," tawag sa akin ni Dexx at pagtingin ko sa oras, isang oras na lang ang mayroon ako para makapag-ayos. Nagmamadali na akong bumangon at lumabas ng kwarto. Naligo at hindi na ako nag-almusal dahil tanghali na at ayokong ma-late sa opisina. "Huwag mo kong hawakan!" sigaw ko sa kanya ng makita kong hahawakan niya ako pasakay sa kotse niya pero nagbago ang isip ko at hindi na ako sasakay pa sa kotseng iyon kung siya lang ang kasama ko. Baka mamaya ay may kamandag pa ni Camilla sa loob ng kotse ko at mahawa pa ako. "I'm sorry!" sabi niya sa akin habang nasa loob ng kotse niya pero hindi ko siya pinansin at pumara ako agad ng tricycle para ihatid ako sa sakayan ng jeep. Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin habang nakasakay na ako sa tricycle at nak

