Pagkahatid sa akin nila Grant at Camilla, nasa bahay na rin sila Tita Myline at naghahanda na ng hapunan. "Mabuti naman at nandito ka na, may sasabihin sana ako sayo," sabi sa akin ni Tita Myline at hinila ako papasok sa kwarto niya. Hindi pa siya nagsasalita at nakita kong binuksan niya ang kanyang Personal Computer. "Gusto ka makausap ni Markus," sabi sa akin ni Tita at pinaupo na ako sa harap ng PC. Nakita ko si Markus at tila may kausap siya bago humarap sa akin. Inayos niya pa ang kanyang buhok at ngumiti. "Kamusta ka na? Pumapayat ka, masyado mo yata pinapagod sarili mo," sabi ni Markus sa akin at ngumiti rin ako sa kanya. Kitang kunta ko ang pagputi niya habang nasa Amerika at mas lumabas ang kanyang karisma dahil doon. "May importante sana akong sasabihin sayo, Rion. Gust

