"Salamat, Attorney Lopez." Tumayo na ako at nagsimulang mag-ayos ng sarili dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang launching ni Grant. Pinagmasdan ko ang dress na isusuot ko at unang beses kong magsuot ng ganitong klaseng damit. Isang pulang sleeveless na kita ang aking dibdib kung isusuot ko. Tapos ay kinuha ko ang kulay itim na stiletto. Huminga akong malalim at nagsimula na akong magbihis. "Bukas yan!" sigaw ko taong kumatok sa pinto at paglingon ko, si Mae iyon at ngumiti habang ulo lang niya ang pinasok niya sa kwarto ko. "Ate, pinapatawag na daw po kayo ni Sir Grant," sabi niya sa akin at agad rin niyang sinara ang pinto. Isang malalim na hininga pa ulit ang ginawa ko bago ako lumabas sa kwarto. Pagpunta ko sa sala ay nando'n na silang lahat at parang ako na lang ang

