Tahimik lang ako pagkasakay ko sa sasakyan ni Dexx dahil sa ayoko talaga na sinusundo niya pa ako. "Hey, magsalita ka naman. Natakot ba kita?" tanong sa akin ni Dexx pero hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi kasi ako sanay sa ginagawa ni Dexx na susunduin ako. Kaya ko naman ang sarili ko, bakit kailangan niya pa akong sunduin? "Sinabi ko naman sayo na huwag mo na ako sunduin," iritable ang pagsagot ko sa kanya pero sa labas lang ako nakatingin. "Wala naman masama kung susunduin kita, gusto ko lang safe kang nakakauwi," sagot niya sa akin at itinungkod ko ang siko ko sa binata ng kotse at isinandal sa kamay ko ang aking ulo. Maganda naman ang sinasabi ni Dexx pero ayoko magkaroon siya ng onbligasyon sa akin. "Fine. Panalo ka na. Ayoko lang kasi madagdag pa sa ginagawa mo at kaya ko n

