Thoughts
"Ahh! Ahhh!!! T-Tama na... p-papa!" pigil na hibik ng labing-siyam na taong dalaga na si Linnea. Nakaluhod siya sa sahig at bahagyang nakayuko habang tinatanggap ang bawat hampas ng latigo sa kaniyang likuran.
Kuyom ang kaniyang mga palad habang tinitiis ang sakit. Nagtatagis din ang kaniyang mga ngipin at ang tagataktak ng mga pawis sa kaniyang noo ay pumapatak ng butil-butil. Gayon pa man, hindi siya tumatayo doon at hinihintay lamang na matapos ang ama sa pagpaparusa sa kaniya. Sanay na siya sa galit ng kaniyang ama dahil noon pa mang bata siya ay ganun na ito sa kaniya, galit na hindi niya mawari kung saan nga ba nagmula.
"Wala ka talagang kwenta! Malas ka sa buhay ko! Punyeta ka!!!" hiyaw ng ama saka nilaklak ang bote ng alak sa kaniyang kamay at hinampas siyang muli ng latigo. "Isang kwintas lang, hindi mo pa nakuha? Bobo ka talaga! Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang kwintas na 'yon!? BWISIT KA! Paano kang natakasan no'n? Matanda lang 'yon! Dapat pinatay mo na lang, TANGA!"
Bukod sa latigo, ang matatalim na salita ng ama ang higit na bumabaon at sumusugat sa kaniyang puso. Ganoon ang tingin sa kaniya ng kaniyang ama mula pa noong siya'y paslit pa, isang mahina at walang kwenta.
Nais ng ama niya na si Santiago na pagnakawan niya ang isang matandang babae na kanilang dinukot. 'Yon talaga ang kabuhayan nila noon pa, ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi siya sinunod ng dalaga, sa halip ay pinatakas niya ang mayamang matanda. Habang hinahampas siya ng ama, naaalala ni Linnea ang mga oras na nasa harapan niya ang matanda, nagmakaawa kasi ito sa kaniya na huwag kunin ang kwintas dahil iyon na lamang ang kaisa-isang ala-ala sa kaniya ng kaniyang anak. Kitang-kita ni Linnea sa matanda ng matanda kung gaano kamahal ng matanda ang anak nito kaya naman napatanong na lang siya sa kaniyang isipan;
..."Kapag ba nawala ako, mamahalin din ba ako ng ama ko ng ganito?"
Nang manawa ang ama sa pananakit, humiga na lamang ito sa sopa at humihilik na natulog dala ng kalasingan. Ang kaawa-awa namang dalaga ay iika-ikang nagtungo sa banyo upang hugasan ang nagdurugong katawan. Lutang ang kaniyang isip habang nakababad sa bath tub.
Ang sabi ng teacher ko noon... walang magulang na hindi nagmamahal sa anak. Kung gano'n... gan'to ba talaga ang pagmamahal? Gusto kong malaman... ano ba talaga... ang bagay na 'yon?
Unti-unti niyang nilubog ang kaniyang sarili sa bath tub at hinayaan niyang balutin siya ng tubig. Kahit paano ay kinakalma siya noon, gayon pa man... pakramdam niya'y walang laman ang kaniyang puso. Ni ang tubig ay hindi ito magawang mapuno.
****
Gyan's POV
"Haaayyyy! Ayoko na!!!" hiyaw ni Gino na humilamos pa sa kaniyang mukha. Nagkatinginan kami ni Cayden habang bahagyang nakangisi.
"Takot ka kanina 'no?" pang-aasar ko.
"Sino bang hindi matatakot!? Hindi niyo ba nakita? Nagliliyab ang mga mata ng Harriet! Kinilabutan talaga ko!" ani Gino na yumakap pa sa kaniyang sarili na may panginginig.
"Gano'n lang talaga 'yon si Tita Sashna, hindi ka pa nasanay," sabi ko habang naglalakad kami palabas ng mansyon.
"Kasalanan talaga 'to ng bubwit na 'yon! Ano bang gagawin ko d'yan sa kapatid mo, Cayden!?" angil ni Gino nang marating ang sasakyan at naupo sa driver's seat.
"Siya pa talaga ang tinanong mo, eh alam mo namang pagdating kay Cayden, ka-kumpetensya ang tingin sa kaniya ni Zion," tugon ko at pumasok na din sa loob ng sasakyan sa tabi ni Gino. "Mabuti pa, hanapin na lamang natin ang batang 'yon."
"Ano pa nga ba? Tsk!" ani Gino at binuhay ang makina ng sasakyan. "Na-locate niyo na ba ang bubwit na 'yon?"
"Hindi. Tingin ko hinubad niya ang piercing charm niya," sagot ko at bumaling ako ng tingin sa salamin para tignan si Cayden na mag-isa namang nakaupo sa likuran. Magkapatong ang mga braso sa ibabaw ng dibdib nito at kumportableng nakasandal. "But I think Cayden knows where he is."
"Blemington Park," matipid na tugon ni Cayden.
"Blemington... Park?" takang tanong ni Gino. "Bakit do'n?"
Animo'y may naalala naman si Cayden na isang katutuwang bagay kaya napangisi itong muli at nilingon ang labas ng bintana. "It's just... a guessed."
"Hmn?"
Hindi ko agad naalisan ng tingin si Cayden, sinuri ko kung ano ang ibig sabihin ng ngiti nito. Simula pagkabata ay magkasama na kami ni Cayden. Dahil sa magpinsan kami at ang aming mga ama ay parehong pinuno ng organisasyon, ang mga buhay namin ay magkadikit na noon pa man kaya naman hindi na ako masyadong nahihirapang basahin kung ano ba ang mga iniisip niya.
Blemington Park. Hmn... teka, hindi kaya... Napangisi akong muli sa naisip ko. Mukhang alam ko na.
"Bakit ba kayo mga nakangiti? May kalokohan ba kayong ginawa sa Blemnignton Park na wala ako? Siguro may mga seksing babae kayong tinatagpo doon ano? Mga walang hiya! Ang dadamot niyo!" pagmamaktol ni Gino.
"We're not like you," sabay na sabi namin ni Cayden.
"Aba! Grabe kayo sa akin! Hindi ba pwedeng mahilig lang talaga ako sa mga magaganda at seksing mga babae? Hmp!" matulis na pagnguso ni Gino. "Palibhasa, pinanganak kayong mga perpekto kaya hindi kayo nahihirapang maghanap ng babaeng papatol sa inyo! Hmp!"
"Hahaha! Stop sulking, Gin. Tama ka naman eh," hagikgik ko ng tawa.
"Anong tama? Kung ganoon, may babae nga kayong nakilala sa Blemington Park?" halos gulantang niyang tanong habang nagmamaneho.
"Yeah. B-But... she's the opposite of what you think," animo'y nagpipigil ng pagtawa si Cayden habang tila inaalala ang mga nangyari noon. "She's not the sweet, pretty face woman na kagaya ng nasa isip mo. She's... a dinosaur."
Napailing na lang ako habang nakangiti. Hindi niya pa rin talaga nakakalimutan ang batang babaeng 'yon.
"D-Dragon? Seryoso ka ba?" bulalas sa pagtataka ni Gino.
"Yeah," tango ni Cay. Pinatong niya ang kaniyang siko sa bintana ng sasakyan at sinalo ang kaniyang baba habang nakatanaw sa labas. "I wonder... where she is right now. Hmn."
Hindi na ako umimik. Sa isip-isip ko, ang mga ala-alang 'yon ang ilan lamang sa masasayang ala-ala ni Cayden noong mga bata pa kami kahit na nalagay siya noon sa panganib. Grabe din ang takot ko noon, hindi sa mga nakalaban namin kung hindi kay Tita Sashna, pero ayos lang, 'yon din kasi ang unang pagkakataon na nakasama namin si papa at napamalas ko ang kakayahan ko sa kaniya.
"Sino ba ang babaeng 'yon!? Akala ko pa naman may babae na kayong kinahuhumalingan," kunot noong tanong ni Gino. "Saka, bakit hindi mo siya hanapin? Sa dami ng koneksyon ng pamilya mo, madali mo lang siyang mahahanap, hindi ba?"
Sa sulok ng aking mga mata, muli akong sumulyap kay Cayden. Kakaiba ang awra ng kaniyang mukha ngayon. Maaliwalas ito at tila may pananabik sa kaniyang mga mata.
"Nah. I’ll let the future... handle that."