Venus Marshall. Kabado. Iyon ang namumukod tangi kong nararamdaman ngayon habang nasa himpapawid kami ng asawa ko patungo ng kaniyang bansang sinilangan. Paano naman kasi, nag-announce lang naman ang captain na in just a few minutes ay mag-la-landing na ang eroplano sa airport ng Athens, Greece. Hindi ako mapakali at kanina pa rin ako parang inaasinan dito sa bendable chair ko. Mahinang hinimas ni Halil ang aking braso. "Agápi mou, relax. Everything will be alright. Nasa tabi mo lang naman ako. Hindi kita pababayaan." pag-a-assure nito sa akin dahilan para mapangiti ako at mabawasan ng kahit na kaunti ang abot langit na kabang nararamdaman ko ngayon. I smiled at her sweetly as I reach for her smooth cheek. Hinimas ko 'yon saka ko inilapat ang aking labi sa nakakaadik niyang mga labi.