Venus Marshall. One week. Gano'n na katagal simula nang umalis ito nang magkasagutan kami after our son's burial. Isang linggo na rin akong stress at hindi na malaman ang gagawin dahil isang linggo na siyang umuuwi na lasing na lasing at madalas ay punong-puno ng dumi ang kaniyang suot na mga damit. Marami nang nag-aalala sa kaniya, including her mother na wala atang mintis sa kakatawag para mangamusta sa amin, lalo na sa asawa ko. But Halil never pick up her calls. In fact, she doesn't even answers anyone's call. Sa isang linggong lumipas, ang routine lang nito ay office, and bar or clubs. Ni hindi man lang s'ya umuuwi rito kundi lang s'ya boluntaryong iuuwi ni Xero o ng kaniyang mga bodyguard. Hindi na rin ako makatulog nang maayos knowing that my wife is at her worst right now.