Halil Dela Questa. Bigo akong umuwi ng Mansion. My search in the Red String Roleplay didn't go as plan. As always. Kaya mabigat ang bawat hakbang kong nagtungo sa aking sofa at nang makarating doon ay pabagsak akong naupo. "Tired?" Bahagyang lumingon ako sa aking tabi kung saan nakaupo si Elsa na as usual, may matamis na ngiti sa labi. "I am," Buntong hiningang sagot ko. Inabot ko ang remote ng flat-screen TV at saka iyon sinindihan. Nilipat-lipat ko lang ang channel hanggang sa mahagip ng CNN news ang atensyon ko. Paano ay si Hunter De Laurentis ang laman ng balita. Well, as usual. Napangiti ako nang makita ang napaka sungit na pagmumukha ng babaeng 'yon sa TV. Gosh, I missed that brat. "You missed your only friend, I see," sambit ni Elsa. Napatawa ako ng kaunti. "She doesn't cou