Venus Marshall. "Whoa..." Bulalas naming dalawa ni Kelly pagkapasok pa lang namin sa isang guest room dito sa condo ng asawa ko na magiging kwarto na ngayon ng magiging baby namin. Paano naman kasi ang lawak nito. Marahil dahil wala nang mga gamit ang naririto ngayon kaya ganito s'ya kalawak. Parang entire apartment na namin ni Carter ito noon eh. Malayang nakakapasok ang magandang sunlight ng New York sa loob ng silid, mas nabibigyan tuloy ng ganda ang new paint ng kwarto na pinaghalong light green and light mustard yellow color. Napansin naman ni Halil ang reaksyon ko kaya nag-explain kaagad ito. "Carina said that warm colors usually stimulate the mind and energize the body. They make large spaces feel cozy and welcoming. Kaya naisipan kong ipa-paint ang kwarto ng green then lig