Chapter 4 | Don't Make a Scene

1218 Words
Breakup Rule #4 | Don’t Make a Scene 'Wag kang gumawa ng eksena kahit nahuli mo man siyang mayroon ng iba. ‘Wag ka magpaka-desperada! Una: Napaka low class kapag pinatulan mo ang kabit niya. Pangalawa: Magsama sila sa imperyno pareho silang taksil! Pangatlo: Hindi mo kailangang maging talk of the town at maging apple of an eye dahil iniwan ka niya. Pang-apat: Bakit ka pupulot ng isang bato na ipokpok sa ulo mo? Hindi ka pa ba natauhan? Niloko ka at sinaktan ka niya. Pang-lima: It is pathetic to make a scene. Let it go. Pretend nothing happened. Don't make him happy. Huwag mong hayaang makita ka niyang miserable. Pakita mong kalmado at buo ka pa. Kahit ang totoo durog na durog ka na at 'di mo alam kung paano ka ba ulit magsisimula. # # # Makailang messages pa ang na received ko galing kay Dreamesky. I ignore them. Pakiramdam ko mali ang makipag-usap sa iba. Alam ko naman na chat lang. Walang masama dahil hindi ko naman siya personal na kilala. Kaso limang taon kami ni Sevie akala ko siya na ang aking “the one ko.” Akala ko siya ang aking “my one and only.” Ang kaso muntik na akong mabaon sa maling akala at lalo na ang akala kong siya ang aking “forever.” Anim na oras na pala ang nakalipas wala akong nagawa kundi tumitig sa larawan ni Sevie sa office desk ko. Isang katangahan na hindi ko pa rin magawang itapon ang picture name na kuha namin dalawa. Ang litratong iyon ang araw na sinagot ko siya. Hindi nga siguro nagtatagal ang lahat ng bagay sa mundo. Lahat ay may hangganan pati ang pagmamahal ng isang tao. Naalala ko na naman kung paano gumawa ng eksena si Sevie sa Charlie’s Cafe. Alam mo iyong pakiramdam na seryoso ka tapos siya nagbibiro lang pala? Ilang libong karayom ang tumarak sa kaibuturan ng aking puso. Ang sakit. Ang sakit sakit sobra. Daig ko pa ang namatayan ng isang dosenang alagang aso’t pusa. Sinong matino na nobyo na magbibiro na makipag-breakup? Sa tagal namin nagsama ni Sevie maging ang tunog ng kaniyang buntong hininga nasaulo ko na. Hindi ko namalayan lumuluha na naman pala ako. Mas mabuti sigurong ‘wag muna ako pumasok sa opisina. Mabuti na lamang ay nacontrol ko ang sarili ko at hindi ako gumawa ng eksena. Katulad sa nabasa kong Breakup Rule Guide ni Dreamesky. Making a scene ay hindi makakatulong sa maayos na paghihiwalay. Pasasaan ba’t maka-move rin ako. Maya-maya pa narinig ko na ang pagbabangayan ni Ram at Josh. “Ikaw na magyaya, Josh. Tinangihan niya ko kanina,” rinig kong sagot ni Ram. “Eh, kayo kayang dalawa ang superclose.” “Sabihin mo na kasi kay Lori, Josh,”pangungulit nito. “Kung magbubulongan kayo sa likuran paki-lakasan pa. Hindi ko marinig, eh,” pilosopong wika ni Lori sa mga kaibigan niya. “Daig n’yo pa ang may micropone. Palihim-lihim pa. Naririnig ko naman. Ano’ng sasabihin mo, Joshua?” “Pakilakasan ba, Lori?” pilosopo rin na sagot ni Ram. “Hindi pakihinaan. Ang hina ng bulongan n’yo, eh.” “Itanong mo na kasi,” pagtulak ni Ram kay Josh. “Josh, ano ba kasi ‘yon?” “Yayain sana kita—” “Yayain na mag-ano?” “I mean ask you sana na sumama sa akin sa probinsya. Wedding anniversary ng mga magulang ko sa Sabado.” Bago po man ako makasagot sa mga kaibigan ko may cellphone screen displayed his name again. Messenger Chat. Dreamesky Message Received. [Busy ka siguro. Chat you laters. Ingats!] Hindi ko dinampot ang cellphone ko tinitigan ko lamang ang screen nito. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko. A millisecond later. He sent a message again. [I mean no harm. Makikipagkaibigan lang. Na-appreciate ko ang mga comments mo. Ang lalim ng hugot.] Napangiti ako sa huling mensahe ni Dreamesky. Iyon ang mga panahon na nag-kokomento ako sa akda niya ay kakahiwalay lamang namin noon ni Sevie. Fresh na fresh pa noon ang sakit sa aking puso. Nasasaktan pa rin naman ako hanggang ngayon. Parang nahuhuli pa lamang na isda magandang tingnan subalit malansa. Katulad sa bagong katay na karne mamula-mula at dumurugo pa. “Ano na, Pentunia? Sasama ka ba?” “Kung sasama ka.” “Syempre, sasama ako. Maraming chibogan ‘yon,” ani Ram. “How many days?” “One week,” sagot ni Josh. “Payagan kaya tayo ni bossing? Tatlo tayong mawawala.” “We got that taken care of, Lori.” “Naplano ninyo na pala ang lahat. Eh, bakit ninyo pa ko tinatanong?” “Eh, malay namin baka maki-eyeball ka riyan sa new friendship mo.” “Hindi ko pa siya kaibigan. Nagsend lang ng message friends na agad?” “Oh, baka hindi pang-friendship level, Josh. Baka mga galawang secret lover,” pang-aasar ni Ram sa akin. “Hindi na pala ako sasama. Tambak pa ang trabaho ko.” “Paano mo matatapos ang trabaho mo? Kanina ka pa nakatulala sa picture n’yo ni Sevie. Itapon mo na ‘yan. Let bygones be bygones,” ani Ram. “Mabuti pa mag-breaktime muna tayo,” suhestiyon naman ni Josh. Pakiramdam ko allergic na ako sa salitang “break.” Agad -agad pumapatak ang aking mga luha kasabay ng hindi ko marurok na sakit sa kaibuturan ng aking puso. Kailan ko ba siya matutunang kalimutan? Hinila na ako ng dalawa ng tuluyan sa aming cafeteria sa ika-apat na palapag ng Chamanade. Maari naman sa pantry na lamang kami kumain. Puno naman ang silid na ‘yon ng mga bending machine. Pero dahil pinaghalong galante at kuripot ang mga best friends ko kaya dito kami napadpad sa cafeteria. Cafeteria ang tawag namin pero kung tutuusin para na itong fancy restaurant sa loob ng isang technology innovation building. “Ano sa’yo, Lori?” Tanong ni Josh sa akin. “Kung ano na lang i-order ninyo ‘yon na rin ang akin.” Ilang sandali pa ang nakalipas dumating na ang waiter at nilapag ang aming pagkain. Apat na pinggan ang nilapag nito. Tatlo lang kami. Bigla kong naalala si Sevie noong mga una naming taon bilang magkasintahan. Sa tuwing may pagkakataon pinupuntahan niya ako upang sabay kami mananghalian o hapunan. Those were the treasured sweet moments I had with him that is so hard to forget. “Bakit apat ang inorder ninyo?” “Eh, sabi mo kasi kung ano’ng orderin namin dalawa. Iyon rin ang iyo.” “Saksakan pala kayo ng katangahan. Saan n’yo tinago ang common sense n’yong dalawa, huh?” “Sinunod lang namin ang sabi mo, Petunia.” “Ubusin n’yo ‘yan! Itong salad lang kakainin ko.” Then Ram mumbled. “Kapag broken hearted talaga ang tagal maka-move on. Pero ang iba naman palit agad.” “Hindi ako tulad n’ya, Ram.” “Kung mag-boyfriend ka rin kaya agad ng bago, Lori?” Ano’ng tingin nila sa akin. Basta na lamang kukuha ng isa pang bato na ipokpok sa aking ulo matapos akong mabagok sa katangahan ng mahabang panahon? Bakit ba nila pinangungunahan ang puso ko? Sawi pa nga ako sawi! Hindi ko pa kayang umibig muli. “Sino bang broken sa ating tatlo? Ako o kayo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD